Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Janice, Japoy: Himukin sa sports mga bata

0 258

Hinikayat ng mag-asawang taekwondo champions – 2010 Tunja World Poomsae Championships gold medalist Ma. Carla Janice Lagman-Lizardo at two-time Southeast Asian Games kyorugi gold winner John Paul ‘Japoy’ Lizardo ang mga magulang na magpakita nang mabuting halimbawa sa sports sa kanilang mga anak upang sundan sila.

Pinahatid ito nina Janice, 33, at coach ngayon ng UP Taekwondo Poomsae Varsity team, at Japoy, 34, at kasalukuyang coach din ng MILO-Philippine Taekwondo Association clinics, national athletes, De La Salle University at College of Saint Benilde, nang maging mga tampok sa unang ere ng Goal Diggers ng sports podcast program sa parenting series ‘MILO Raising a Champion.’

“Don’t force them to do what they don’t want to do. Kasi they will not excel ‘pag pinipilit mo sila. Whatever they like, doon sila mag-excel. Let them choose what they want and don’t choose for them,” payo ni Janice, sa pagpapakita nila ng mister sa pagta-taekwondo sa dalawang anak na lalaking sina Jace, 4, at Jevi, 2, na nagkakainteres naman. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.