Abante Tonite Interactive

Janice may pasabog kay FPJ

By ,
5,684

Binasag ni Janice Jurado ang kanyang katahimikan nang tanungin kung totoo bang tinarayan at ipinagtabuyan diumano siya ni Susan Roces nu’ng burol ng yumaong Fernando Poe Jr?

“Huwag na lang nating pag-usapan ‘yun. May balita kasi kay Susan na mali kaya sinabi niya sa akin ‘wag akong sumama sa libing,” bungad niya.

“Parang ‘yung kaming dalawa ni FPJ, nalaman niya ‘yung nagkaroon kami ng relasyon,” pagtata­tapat niya sa presscon ng pelikulang “The Maid In London”

Abante Hiring – IT dep

Nagkaroon sila ng relasyon ni Da King?

“Oo. Pero, alam mo naman pag may asawa, fling fling lang ‘yun, e,di ba? Bakit hindi lang naman ako, ah… marami, bakit ako ang pinupuntirya niya?

“Pero, hindi na ‘yun ang dahilan siguro kaya hindi ako mapasok sa (FPJ’s Ang Probinsyano) kasi mabait naman si Ate Susan. Tinutulungan din niya ako.

“At saka si Ate Susan na rin ang nagsabi na bakit hindi n’yo isama dito si Janice?”

“Wala naman akong nararamdaman na galit siya o ano,” paglilinaw niya.

So, maliwanag na ba lahat kay Susan?

“Oo naman. Susan Roces, Fernando Poe hindi na mabubuwag ‘yan. Kung saka-sakali man maninikim lang naman ‘yan, eh!Ha!ha!ha!,” deklara pa ni Janice sabay tawa.

“Isa ako sa natikman,” dagdag pa niya na humahalakhak.

Plano ni Janice na idagdag sa isa­sapelikulang life story niya ang naging relasyon nila ni FPJ.

Hindi kaya mag-react si Susan pag isinama niya ang kuwento nila ni Da King?

“Bakit sila mag­re-react, e, marami namang naging fling si Fernando Poe. Si Anna Marin (naging anak nila si Ronian), Rowena Moran (Nabuo si Lovi)

“True to life, eh. Hindi kasinungalingan, eh. Ang hindi ko lang mailagay, ‘yung pangalan ng mga general naging syota ko. Baka bigla na lang ako mapatay,” lahad pa niya.

“Sana ‘wag siyang magalit kasi true to life ito, eh. Wala tayong magagawa, maraming nakakaalam. Baka ‘pag hindi ko inilagay sabihin nila, bakit hindi inilagay ‘yung kay FPJ? Mahalaga ‘yun. Alam naman ni Ate Susan ‘yun, eh,” bulalas pa ni Janice.

Ilan talaga ang nakarelasyon niya sa showbiz?

“Sa showbiz siya lang. Puro politiko, eh’ pakli niya.

Si Janice ay dating sexy TV and film comedienne nu’ng 80’s. Nakilala siya sa TV sitcom na Duplex at nagtatag­lay ng malaking boobs.Naging host rin siya ng kontrobersyal na tv showbiz talk show na “Rumors, Facts And Humor”.

Mapapanood ngayon si Janice sa “The Maid In London” na pinagbibidahan nina Andi Eigenmann at Matt Evans. Ito’y sa direksyon ni Danni Ugali. Showing sa July 4.