Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Janice ‘sinuka’ si John; Aga keri sikmurain

0 212

NI: ARCHIE LIAO

Sa tsikahan sa Jeepney TV, naitanong ni Kaila Estrada sa inang si Janice de Belen kung open siyang makatrabaho ang mga ex na sina Aga Muhlach at John Estrada.

Hindi naman nagpatumpik-tumpik sa kanyang sagot ang magaling at premyadong aktres.

Aniya, hindi raw big deal sa kanya na muling maka-work si Aga pero it’s a big no na magkasama sila sa isang proyekto ng tatay ng young actress.

“Aga, yes, I’d be open to working with Aga. Your dad? No,”sey ni Janice.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Naurirat naman ni Kaila si Janice kung bakit ayaw niyang makatrabaho ang ama ng young actress.

“Alam mo kasi, hindi kami naging mag-asawa ni Aga so it’s different. The relationship is different. It’s different with your dad kasi naging mag-asawa kami, okay? Yung mga disagreements namin were not tiny disagreements,” paliwanag ni Janice.

Inesplika rin ng dating “Quotation Queen” kung bakit hindi puwedeng magkasama sila ng ex-husband.”The reason for us separating, it’s not a tiny thing. It’s not just a disagreement. So many hurtful things, so many hurtful words have already been exchanged and there’s a reason why we’re not exactly friends,” hirit ni Janice.

Dagdag pa niya, ayaw din daw niyang maapektuhan ang mga makakatrabaho sa away nila ni John.

“It’s not gonna work, and everything that has happened between the both of us, we might be an inconvenience to the people that we are working with and working for. Baka maging problema kami, so wag na lang kaming maging problema at all,” pagtatapos niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.