Abante Tonite Interactive

Janine, ‘di na takot humawak ng baril

156

Ang pagganap sa karakter ni Des sa teleseryeng Once Again ay malaking hamon para kay Janine Gutierrez.

May mga bagay siyang ginawa rito na kanyang kinatatakutan noon.

Isa na rito ay ang paghawak ng baril.

“I got to shoot a gun for the first time,” tsika ni Janine.

“Dream ko talaga mag-action kaya natutuwa ako na nagawa ko ‘yun.

“Nu’ng una kasi, takot na takot pa ako sa mga squib but I am happy to have overcome it.”

***

Ipapakita muli ni Ultimate Star Jennylyn Mercado ang passion niya sa pagluluto sa bago niyang cooking show na Everyday Sarap with CDO na mapapanood simula August 7 sa GMA News TV.

Jennylyn Mercado
Jennylyn Mercado

Para kay Jennylyn, ang pagho-host ng nasabing programa ay isang avenue para mas matutong magluto at para masiguro ang mga pagkaing ihinahain niya para sa kanyang 8-year old son na si Jazz.

“Alam n’yo naman na gusto ko talaga magluto. Gusto ko mag-bake, gusto ko magluto,” sambit ni Jennylyn.

“Tsaka madami ako natututunan. And ngayon, Jazz is growing up kaya gusto ko mas hands on ako sa kanya.

“Eh si Jazz kasi, mahilig ‘yun sa mga matatamis na ulam, eh. Mga adobong matamis, ganyan. Asado.

“Dito, nagluluto rin sila ng ganito like Patatim, o Tocino or Asado kaya masaya talaga ako with this new cooking show.”

***

Sa panahon ngayon, hindi na lamang ratings ang labanan ng mga TV network.

Maging sa online ay patalbugan din ang GMA at ABS-CBN sa kung sino ang may mas maraming website visitors, social media followers, at kung anu-ano pa.

Aba! Ang GMANetwork.com pala ang number one local website sa bansa noong Hunyo dahil sa nalikom nito na halos 140K pageviews ayon sa Effective Measure.

Sa kabuuan, mula Enero hanggang Hunyo, ito pa rin ang nanguna sa listahan base sa pageviews dahil sa naitala nitong higit sa 900K page­views, na mas mataas sa 764K ng ABS-CBN.com.