Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Janine ayaw pakabog sa buyangyang ni Julie Anne

0 198

Hindi nagpatalbog si Janine Gutierrez kay Julie Anne San Jose. Sa kanyang Instagram, nagbuyangyang din siya ng kanyang seksing katawan. May beach photo rin siya habang nagbabakasyon sa El Nido, Palawan.

“Quick escape,” caption ng aktres.

inintriga ito dahil kamakailan ay pasabog din ang mga post ni Julie Anne na sexy photo sa Boracay.

Todo react din si Rayver Cruz at ang pamilya niya sa naturang larawan.

Si Rayver ay ex-boyfriend ni Janine at nauugnay ngayon kay Julie Anne.

Anyway, takaw -pansin din ang flawless na kilikili ni Janine sa larawan

Inuurirat din ng mga fan kung si Paulo Avelino ba ang photographer nito?

“what a body!Palawan with paulo love you both i wonder kung cno ang photographer.”

Pang-uurot naman ng isa,

“Photographer reveal plss HAHAH chars love you forever!!! sanaol po ganyan ka sexy.” (ART)

Leave A Reply

Your email address will not be published.