Abante Tonite Interactive

Janine bagong babae ni Alden

By
4,803

TAPOS na ang acting workshop ng Pambansang Bae na si Alden Richards under Anthony Vincent Bova, New York acting coach.

Actually, ang workshop ni Bova ay para sa mga talent ng GMA Artists Center. Ginawa na ‘yan last year pero ngayon lang naka-join si Alden.

Malamang, preparasyon na rin ito para sa kanyang bagong serye?

How true na si Janine Gutierrez ang leading lady ni Alden at hindi totoo ang napabalitang si inah de Belen? True ba na tatlo ang makakapareha niya pero si Janine ang isa sa napili?

Kamakailan ay naging busy si Alden sa pagso-shoot para sa mga endorsement niya. Going strong pa rin si Alden pagdating sa bagay na ‘yan. Effective pa rin siyang endorser ,noh?

Katrina at Megan naghampasan ng ice cream

TALK of the town ang behind-the-scenes ng The Stepdaughters. Nauwi raw sa lokohan at harutan ang eksena kung saan naghampasan ng ice cream at nagsabuyan ng harina sina Katrina Halili at Megan Young.

Ang eksenang dapat na seryoso, hindi nila napigilang gawing katatawanan dahil na rin sa kagagawan ng ilang staff na naki-join sa harutan nila.

Talbog!

Vickie at Michele, kabugan sa Binibining Pilipinas

PARANG manok na pinagsasabong ngayon ang Binibining Pilipinas candidates na sina Vickie Rushton at Michele Gumabao. Sino kaya ang mas sexy? Sino ang makaka-puwesto sa kanila. Talu­nin kaya nila ang mala­kas na candidate na si , Catriona Gray? Pareho kayang makaalagwa ang dalawa?

Samantala, kinunan namin ng reaksyon ang young actor na si Marco Gumabao sa pagsali ng kapatid niyang si Michele?

“I’m really proud and happy for my sister. Aaminin ko nagulat ako when she finally decided to join kasi nga she was really focused sa sports.

“Super nakaka-proud naman kasi dahil kitang-kita mo ‘yung determination niya to get in beauty queen shape in so little time. Basta I wish her all the best, and of course good luck sa kanya.

I’ll be here to support her all the way,” deklara niya.

Pak!