Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Janine bet ligawan ni Paulo

0 262

Pagkatapos kumalat ang balitang hiwalay na ang showbiz couple na sina Janine Gutierrez at Rayver Cruz, maraming espekulasyon ang lumabas tungkol sa real score sa kanilang breakup.

May mga nagsasabing ang kawalan nila ng oras sa isa’t-isa ang dahilan ng split ng dalawa.

Hirit naman ng mga mosang na kapitbahay, dahil magkaiba ang kanilang network na pinagtratrabahuhan, hindi na raw kasi halos nagkikita ang mag-ex.

At dahil mas nakakasama raw ni Rayver ang kanyang co-host na si Julie Anne San Jose sa kanyang GMA-7 shows tulad ng The Clash at All-Out Sundays, na-develop na raw ito sa nasabing singer-actress.

Katunayan, may sarili na ring fandom sina Julie Anne at Rayver (JulieVer) na kilig na kilig sa kanilang tandem.

Sa kaso naman ni Janine, parang ganoon din ang nangyari na na-fall out of love umano siya sa Kapuso actor.

Hindi rin kasi maiiwasang mai-link siya sa kanyang “Marry Me, Marry You” leading man na si Paulo Avelino.

Marami rin kasi ang kinikikilig sa kanilang team-up at maging sa kanilang harutan sa twitter na aakalain mo talaga ay may something sa kanilang relasyon.

Hindi rin niya isinantabi ang posibilidad na ligawan niya si Janine kung mabibigyan siya ng pagkakataon lalo na kung single si Janine.

Bea nasabik kay John Lloyd

SM SuperKidsDay Banner Ad

Reunited ang kilig tandem nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo sa One True Pair, na opisyal na ire-release sa Disyembre 1.

Sa 2 minute video clip na teaser nito, marami ang kinilig lalo na sa mga binitiwan nilang dayalogo habang naglalakad sila at kinukumusta ang lagay ng kanilang mga puso.

Sey ni John Lloyd, sadyang may mga bagay raw na kapag pinagsama ay talagang ‘perfect combination.’

Hirit naman ni Bea: “Meron din naman, kahit after all these years, never kang pinagpalit.”

Ganting tanong naman ni Lloydie: “Parang tayo?”

Sa huli, sinabi ni Bea ang nilalaman ng kanyang puso sa muling pagkikita nila ni Lloydie . Makatunaw-puso at pasabog ang “kilig vibes.”

“Na-miss kita… galing sa puso,” ani Bea.

Hindi pa man, marami nang excited na mapanood ang kabuuan nito.

Naging kaugalian na rin ng naturang brand na maghatid ng relatable love stories sa kanilang online series for some years now.

Leave A Reply

Your email address will not be published.