Abante Tonite Interactive

Janine hindi bastusin ang kaseksihan

By
0 3,582

May dapat talagang ipagmalaki bi­­lang ina si Lotlot De Leon sa kanyang panganay na si Janine Gutierrez. Hanep ang sexy photo nito sa Instagra­m wall n’ya.

Napakaganda ang anak na ito nina Lotlot at Ramon Christopher. Animo’y hindi isang Pilipina kundi isang international fashion model.

Bukod pa dito, ang ganda ng kanyang pigura. Hindi rin bastusin ang kanyang ka­seksihan. Kahit siguro magpakita pa siya ng konting skin ay irerespeto pa rin ito ng netizen. Hindi kasi bastusin ang alindog ni Janine.

Kung may Liza Soberano mula sa Kapamilya na hinahangaan ang ganda, meron din namang Janine Gutierrez na pambato ng GMA 7.

Masuwerte ang lalakeng mapagkakatiwalaan ni Janine ng kanyang puso at alindog. Hindi lahat ng babae ay nabibiyaan ng ganitong mga kata­ngian.