Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Janine, Jolina, Bianca pabor kay Leni

0 74

Suportado ng maraming celebrities ang kandidatura ni Vice President Leni Robredo para sa pagka-Presidente sa 2022 national elections.

Number one trending nga kahapon sa Twitter ang hashtag na #LabanLeni2022 as she formally announced her intention to run at nakaka-touch ang suportang ipinakita ng sambayanan kabilang na nga ang ating mga artista.

Isa sa mga nag-tweet ay si Janine Gutierrez. Aniya, “Lord thank you” na ipinalagay ng mga netizen na ang pagkandidato ni Leni ang kanyang ipinagpapasalamat.

Siyempre, nag-tweet din si Agot Isidro na noon pa ay very vocal sa pagsuporta kay Leni.

“Maraming Salamat at narinig ninyo kami. At naririnig namin kayo, Presidential Candidate @lenirobredo.Tuloy-tuloy ang #LABANLENI2022 Makakaasa po kayo,” ang isa sa mga sunod-sunod na tweets ni Agot.

Bukod dito ay pinalitan din ni Agot ang profile picture niya ng pink screen na siyang campaign color ni Leni.

Si K Brosas ay nagpalit din ng profile picture na nakasuot siya ng pink blazer.

Nag-post din ng pink art card si Enchong Dee at pink towel. Aniya sa caption, “Hope in the midst of darkness. Pag-asa sa gitna ng kadiliman. #LeniRobredo2022 #LetLeniLead.”

Pink ribbon naman ang pinost ni Pokwang at sa caption, she wrote, “my choice, my rights, respect mine I’ll respect yours.”

Tweet naman ni Bianca Gonzalez, “tears of HOPE.”

Nag-post din si Jolina Magdangal ng larawan nila ng asawang si Mark Escueta in shades of pink at ginamit ang hashtag na #LabanLENI2022.

Todo rin ang suporta ni Jennylyn Mercado dahil panay ang like and retweet niya ng mga tweets and news about VP Leni.

Ang iba pang celebs na nagpahayag ng suporta sa Presidential candidate ay sina Jane Oineza, Saab Magalona, Pia Magalona, direk Dan Villegas, Rica Peralejo, Michael de mesa at marami pang iba.

Pia keber sa big boobs

Inamin ni former Miss Universe na maraming hindi natutuwa sa kanyang big boobs na hindi niya maintindihan kung bakit.

“Naku, hanggang ngayon, nakakakuha pa rin ako ng mga message na offended sila sa katawan ko dahil may boobs, cleavage, ganyan,” pagbabahagi niya sa kanyang YouTube vlog.

“Sa akin lang kasi, ganito. I don’t understand like how can somebody get offended by something that I was born with?” patuloy niya.

Payo pa niya, “kaya ladies, for girls who are blessed like me, huwag kayo magpaapekto. I feel you, I’ve been through that also, I feel you.”

Kaya raw siya ay hindi na siya nagpapaapekto sa mga puna sa katawan niya.

“I don’t let it bother me anymore. Kebs ba! Blessed ako ni Lord. Alam mo ‘yun? Blessing ‘yan, eh. Asset mo ‘yan,” sambit niya.

When she was younger, feeling daw niya ay sumpa at hindi blessing ang pagkakaroon ng malaking boobs but as she gets older, natutunan na raw niyang mahalin ang kanyang sarili.

“Dapat gumawa tayo ng community of girls with big boobs,” sey pa niya.

Kung dati raw ay madali siyang ma-hurt sa mga bagay-bagay, as she grows older, syempre ay nagma-mature rin siya.

“I feel like I really grew up. I care less about what other people think. Not in a bad way naman. Pero because I cared too much before where it hurt me sometimes.

“And now, I’ve learned to let go of the things that I can’t control. I’ve also learned to be humble and to. . .not that I wasn’t naman pero I’m very grateful of the things that I have now.

“I think, dahil din sa pandemic, you start counting your blessings and you realize how really lucky you are to have your health, to have your job, to have a family. So, I’m a very grateful person,” pahayag pa ni Pia.

Leave A Reply

Your email address will not be published.