Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Janine karamay si Rayver sa pandemya

0 742

NI: VINIA VIVAR

Aminado pareho ang mga bida ng’ Dito at Doon’ na sina Janine Gutierrez and JC Santos na talagang very challenging ang nakaraang taon para sa kanila and good thing, may special someone sila para pagaanin ang napakahirap na sitwasyon.

“Challenging lang yung idea na hindi ko alam kung magkakatrabaho ako. Actually, yun lang ang pinakamahirap,” ani JC.

“Hindi ko alam kung kailan magkakatrabaho at siyempre, nasanay ka na every month, may dumarating, alam mo yun? Tapos biglang ‘uy, wala.’ Tapos, nagsara yung network, tapos hindi mo na alam kung ano na ang mangyayari bukas, tapos lumalala yung cases. That was really bad for me,” dagdag ng aktor.

Pero ang naging saving grace raw niya ay ang kanyang pamilya – his wife and his newborn child.

“The part na I have a newborn and I’m taking care of her, so sobrang nagbago ang mindset, saka yung emotional side ko. Yun yung good side na nangyari sa akin nung lockdown, nung 2020,” he said.

For Janine, thankful ang aktres na nandiyan ang boyfriend niyang si Rayver Cruz para damayan siya.

“Naisip ko na parang malaking tulong din yung meron kang palaging kausap. Na kahit masungit ka or malungkot ka, kakausapin ka pa rin niya. Parang noong pandemic kasi, kailangan natin talagang umasa at sumandal sa isa’t isa, eh.
“So, I’m just grateful that meron akong kasama nitong past year,” ani Janine.

Samantala, unang pagsasama nina JC at Janine ang digital film na ‘Dito at Doon’ under TBA Studios mula sa direksyon ni JP Habac of I’m Drunk, I Love You’ fame.

Mapapanood na ang ‘Dito at Doon’ simula ngayong Miyerkoles, March 31 via streaming apps such as KTX.ph (https://www.ktx.ph/), Cinema ’76 @ Home (https://cinema76fs.eventive.org/welcome), iWant TFC (https://tfc.tv/), Upstream (https://upstream.ph/) and Ticket2Me (https://ticket2me.net/).

Kasama rin nina JC at Janine sa pelikula sina Victor Anastacio at Yesh Bruce.

Leave A Reply

Your email address will not be published.