Abante Tonite Interactive

Janine kinukumbinsi pa rin sa beauty pageant

442

Mahirap din sigu-rong maging millennial batha-luman tulad ni Janine Gutierrez. Lahat kasi, focused at pansin na pansin ang kanyang kakaibang kagandahan. Sigurado naman tayong ang panalo kay Gutierrez, outside and inside eh maganda talaga ang dalaga.

Kaya nga ang diva that you love, hindi na nagtataka kung bakit may ilang mga nilalang na wishing and hoping na kung hindi maging beauty queen eh maging super model of the whole wide universe ang binibining bumihag sa puso ni Rayver Cruz.

May isa nga siyang IG follower na hindi mapigilan ang nasa na maging beauty queen si Janine kaya may kudang ganito: “Why not try to join the beauty pageant sayang ang ganda, talino at taas mo. Kaya mo yan.”

Dahil sa pagmamaga-ling nitong hitad na follower, isang panalong-

panalong reaksyon ang kanyang tinanggap mula sa “Dragon Lady” bida na malapit na palang mawala sa ere, “I feel so bad whenever someone calls someone else ‘sayang’. Hindi ba pwedeng iba lang ang gusto niya sa buhay?”

Kaboom! I am so sure ang hitad na IG follower hindi kinaya ang well thought of at well written reaksyon ni Gutierrez sa kanya. Kasi naman, hindi naman hinihingi ni Janine ang two cents worth of chika mo tungkol sa kanyang buhay at karera, kumuda ka pa rin na para bang kilalang-kilala mo na siya.

Sana, may aral kang matutuhan sa pangyayaring ito, IG follower.

At kay Janine Gutierrez, whate-ver are your next plans and projects, tiyak marami ang susuporta sa iyo dahil isa ka talaga sa GMA-7 leading ladies na dapat nilang alagaan para hindi lang mag-blossom at bloom ang karera, kundi maging household name na may pangmalakasang fan base at followers.

All you need right now is one major, major film project na talagang magpapabongga sa iyong estrella premium at stature.

Lea, Lee Sung Kyung magtatagpo sa ‘Pinas

Marami ang natuwa sa tila mutual admiration club sa pagitan nina Lea Salonga at Korean star na papara-ting sa Pilipinas very soon, si Lee Sung Kyung.

Si Bb. Lee, may co-ver version ng “A Whole New World”. Siguro naman, alam na alam nating lahat na ang singing voice ni Jasmine sa animated “Aladdin” feature, eh sa nag-iisa nating miss called Lea.

Si Salonga, matapos mapanood ang version ni Sung Kyung, ibinahagi niya ito sa kanyang IG account at ang kanyang pahayag tungkol dito: “This is so adorable!!!!!!! Isn’t she a Disney princess?” May kasama pang crown emoji ang posting ni Lea at super tagged niya pa ang Korean actress.

Ang bongga, si Sung Kyung, patol sa post ni Salonga at ang kanyang hanash, with so much reverence talaga: “I am so thankful and honored Lea! I’ve been practicing listening to you. You are inspirational and I love you so much!” at tinapos niya ang kanyang post with a love emoji para sa isa sa mga pambansang kayamanan ng Pilipinas.

Walang dudang touched si Lea sa gesture ni Sung Kyung kaya sinabi nito sa Korean star na pinapanood niya at super na-enjoy ang “Weightlif-ting Fairy” kung saan si Bb. Lee ang bidang babae.

May fan meet very soon si Sung Kyung sa Manila. Si Lea naman, kasalukuyang busy sa pagiging judge para sa bagong “The Voice Kids”.
Ang saya siguro kung ang dalawa eh pagtatagpuin, hindi ba naman? At mas panalong pasabog kung may pagkakataon silang kantahin ang iconic duet sa “Aladdin”.

Pangarap na kagana-pan ito kaya kung ang mga Pulis Pangkalawakan ay nakikinig, pati na rin ang pamunuan nina Salonga at Lee, payanig na paghaharap at pagsasama ito, huh!

Juday serial killer sa ‘Ang Probinsyano’

Serial killer daw ang katauhang gagampanan ni Judy Ann Santos-Agoncillo sa “FPJ’s Ang Probinsyano”. Kung talagang may katotohanan ito, hindi kaya mabaliw na naman ang publiko sa panibagong story arc at character na ito?

Alam naman nating lahat na walang serial k­iller sa Pilipinas at kung ito talaga ang tatahakin nila, tiyak na may gore at vio-lence elements. Paano na ang mga bata, teens at twinks na viewers?

Kahit pa ilagay mong SPG ang programa, ang serial killing ay hindi madaling ipaliwanag sa mga kabataan at magpakatotoo, halos lahat tayo, salat ang kaalaman kung b­akit may mga taong ganito.

Hindi ba’t kamakailan lang, maraming netizens ang nagsabing naalarma sila sa sobrang bayolenteng presentation na kung saan ang mga babaeng pulis characters ay talaga namang sakdal hirap ang pinagdaanan?

Kaya nga, hindi ko maiwasang magtaka, talaga bang serial killer nga ang gagampanan ni Juday? Hindi ba courting for controversy kung totoo nga ito?