Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Janine, Kris, Pokwang ‘binasura’ ng network

0 258

MILDRED BACUD: Malaman talaga ang sinabi ni Manay Lolit Solis tungkol sa hindi pag-renew ng Kapuso network kay Janine Gutierrez. Sa mga ganitong sitwasyon daw kung bakit hindi na niri-renew ng istasyon ang isang contract star nila ay dahil sa wala ng nakikitang pakinabang dito.

The case of Kris Bernal na di na rin ni-renew. May point din naman.Kasi network lang naman talaga ang makakapagsabi kung asset pa ang isang artista sa kanila. Pero may mga kwestyon din kasi kung bakit may mga malalaking artista na hindi na ni-renew ng network like Kris Aquino at Pokwang.Ang pinakabago nga ay si Richard Yap. Hindi rin hinabol ng network ang paglipat nina Maja Salvador at Piolo Pascual kahit na homegrown talent sila ng Kapamilya. Si Angel Locsin ang pagkakaalam namin paso na rin ang kontrata niya sa Dos last year pa pero di pa rin siya nagri-renew. Ang loyalty niya ay sa Kapamilya network pa rin.

RODEL FERNANDO: Meron talagang ganun mga Ka-Cuatros na kapag wala ka na pakinabang ay itsapuwera ka na. Nangyayari nga yan sa mga network sa ibang talent nila na kahit mag-ober da bakod ay hindi na hinahabol. Hindi ba’t si Ai Ai de Las Alas ay isa rin sa halimbawa na noong lumipat ay pinabayaan na siya ng Dos?

Isa pa si Alex Gonzaga na isa ring Kapamilya na noong mag-over da bakod sa TV5 ay deadma rin ang ABS-CBN. Kungsabagay, parang bumalik lang din naman si Alex sa dati niyang tahanan kahit sabihin pang lumaki ang pangalan niya sa Kapamilya Network. Pero ganunpaman, hinayaan na nga lang siya ng dati niyang network at hindi na siya hinabol.

Ito namang si Janine Gutierrez mula sa pagiging Kapuso ay may tsikang taga-Dos na raw siya.

Ang tanong ngayon?Makatulong kaya sa kanya ang sinasabing paglipat niya gayung dumadaan ngayon sa krisis ang ABS-CBN? At heto pa, may nabalitaan kami na ang una raw project niya kung sakali ay magiging kontrabida ni Jane De Leon. Gagawin na kasing series ang Darna at ang napipisil na gumanap na Valentina ay si Janine. Kung totoo man ito ay sana huwag tanggapin ito ni Janine at ng kanyang manager. Malaki na ring artista ang apo ng Superstar no!.

ROMMEL PLACENTE:Kapag ang isang artista ay natapos na ang kontrata sa kanyang network at hindi na ni-renew pa,ibig sabihin talaga mga ka-Cuatros ay ayaw na talaga nila rito o hindi na nila ito kailangan .

Maraming mga talent ng GMA 7 ang nag-lapse ang kanilang kontrata at hindi na nga ni-renew. Tulad nga ng sinabi mo ka-Cuatros na Mildred na isa rito ay si Kris Bernal. Isang malaking sampal yun sa aktres na homegrown talent ng Kapuso network. Pero sana sumigla pa ang career niya sa TV5 dahil mahusay naman itong artista.

Sa totoo lang, hindi sa minemenos ko si Kris,huh! Pero ilang beses na siyang nagbida sa mga serye ng Syete na nag-rate naman pero bakit kaya hindi naman siya naging big star? Ano nga kaya ang kulang sa kanya na hindi pa rin pumapaimbulog pataas ang kanyang career?

SM food to go Banner Ad

Talented naman ang aktres, di ba?

ROLDAN CASTRO: Very vocal naman si Kris Aquino sa pagsasabing ‘ayaw nila sa akin’.

Pero ang pagkakaalam ko inalok naman siya ng show noon sa Dos.Kumbaga wala na umanong network contract kundi per show na ang kontrata. ‘Yun na kasi ang nauso nu’ng mga panahong ‘yun.

Pero ayon sa aming source, ayaw ni Kris ng ganoon. Network contract pa rin ang habol niya.

Si Pokwang ang masuwerte dahil nang sabihan siyang wala nang kontrata ay nakahanap siya ng bagong tahanan. Nagkaroon siya ng show sa TV5 sa pamamagitan ng TAPE.

Pero naniniwala naman ako na pag may talent ka, hindi ka mawawala sa showbiz.

Importante lang na mag-ipon sa kalakasan ng kita para may magastos pag dumating ‘yung ganitong situwasyon.

Sa showbiz naman , walang permanente talaga.

Talbog!

Leave A Reply

Your email address will not be published.