Abante Tonite Interactive

Janine, Lotlot nag-double date

814

tonite-pak-allan-diones

Natuwa kami na magkasama nang uma-attend ng party sina Janine Gutierrez at Rayver Cruz, tulad nang pumunta sila sa salubong birthday party namin last Sunday night.

Kahit wala pang direktang pag-amin mula sa dalawa ay kita naman ang ebidensiya na love nila ang isa’t isa at hindi na nila kailangang magsalita pa because action speaks louder than words.

Pareho ng sagot ang JanVer na ganu’n pa rin sila at ‘yung closeness nila, so happy raw sila kapag magkasama.

Siyempre, together ang JanVer nu’ng birthday ni Janine last October 2 at sa birthday ng bradir ni Rayver na si Rodjun nu’ng October 10 ay ka-join ni Ray si Janine sa pa-bday dinner ni Rod with his fiancée, Dianne Medina at ang mommy nila ni Rayver.

Ang madir naman ni Janine na si Lotlot de Leon ay noon pa very open sa pagsasabing boto ito kay Rayver para sa anak.

Sey ni Lot, parang anak na rin ang turing niya kay Ray at wala siyang masasabi sa kabaitan ng binata, na totoy pa lang ay kilala na niya dahil nagkatrabaho sila noon sa ABS-CBN.

Ngayong nasa GMA na si Rayver ay magkatrabaho ulit sila sa afternoon drama na “Asawa Ko, Karibal Ko” dahil si Lot ang gumaganap na nanay dito ng bidang si Kris Bernal, na mauugnay sa karakter ni Rayver.

Happy si Lot for JanVer dahil nakikita niya kung paano itrato ni Rayver si Janine, na nandu’n ‘yung pag-aalaga at respeto, although wala rin daw siyang kinukumpirma na kahit ano.

Itsurang may double date sila nu’ng party namin dahil kung kasama ni Janine si Rayver, kasama naman ni Balot ang Lebanese fiance niyang si Fadi El Soury.

Sa December 17 ang garden wedding nina Lot at Fadi sa isang beach resort sa Batangas, na ang daughter of the bride na si Janine ang tatayong maid of honor.

Benjamin nagluksa sa Guam

Sa Lunes, October 15, pa pala ang balik ni Benjamin Alves mula sa Guam kung saan mabilis itong lumipad matapos pumanaw ang amang si Mr. Benjamin Sapida nu’ng Lunes.

Nasa taping si Ben ng “Kapag Nahati ang Puso” nang makarating sa kanya ang malungkot na balita.

Na-pack up ang taping at dumiretso agad ng airport ang Kapuso actor para puntahan ang kanyang pamilyang nakabase sa Guam.

Balik-trabaho si Ben sa Lunes pagdating niya dahil kailangan niyang mag-taping para sa morning series nila ni Bea Binene.

Agad nagpahatid ng pakikiramay ang mga kasamahan ni Ben sa “Kapag Nahati ang Puso” na para na niyang pamilya.

Napansin namin na burado na ang lahat ng posts sa Instagram account ni Benjamin at ang nag-iisang itinira niya ay ang Father’s Day post niya para sa kanyang ama nu’ng June.

Samantala, sa “Kapag Nahati ang Puso” ay kay Sunshine Cruz na napapalapit ang loob ng karakter ni Ben na si Joaquin, habang kinakikiligan naman ng mga Kapuso viewer sina Bea at David Licauco.(Allan Diones)