Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Janine ‘lumayas’ dahil kay Bong

0 4,420

NI: MILDRED BACUD

Kumpirmado na magiging Kapamilya star na si Janine Gutierrez. Come January 2021 ay nakakasa na umano ang unang teleserye na gagawin niya.

Kung ano ang totoo sa kung sino ba ang hindi nag-renew, ang GMA ba o si Janine ay malalaman din natin.

SM food to go Banner Ad

Ano nga ang dahilan ng Kapuso kung bakit hindi na nag-renew? May nagtsika sa amin na posibleng may kinalaman daw ito sa isyu no’n sa aktres at sa pagbibigay niya ng komento tungkol sa pagbabalik ni Senator Bong Revilla sa GMA matapos na makalaya nito.

Matatandaang December, 2019, nag-tweet si Janine ng “Oh God” bilang reaksyon sa balitang may TV comeback ang Senador sa GMA.Bagay na agad sinagot ng manager ni Bong na si Manay Lolit. Pero marami naman ang nagtanggol sa aktres.

Well, kilalang palaban din si Janine sa mga isyu sa lipunan. Dahilan kung bakit nalalagay rin siya sa mga kontrobersiya.

Kung ano talaga ang totoo sa hindi pag-renew ng GMA network iimbestigahan natin.

Leave A Reply

Your email address will not be published.