Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Janine naging parking attendant

0 224

Sa isang panayam sa kanya sa isang morning talk show, sinariwa ni Janine Gutierrez ang kanyang buhay bago pa man siya pumasok ng showbiz.

Hirit pa niya, hindi raw porke’t nabibilang siya sa kilalang Gutierrez at De Leon clan ay masasabing glamorosa at sunod sa luho na rin ang kanyang buhay.

Katunayan, nakaranas din daw siyang mangamuhan at magtrabaho noong hindi pa siya nadidiskubre sa showbiz.

“Akala nila minsan, ‘di ba, na pag artista automatic parang mayaman. Hindi mo ma-reach. E hindi naman ganun ‘yung family ko. So ‘yun ‘yung isa sa mga talagang impression na sa tingin ko, naiisip ng mga tao na hindi totoo. Na kapag nasa TV ka, automatic napakayaman mo, ganyan. Hindi naman totoo. Working class din talaga ‘yung mga artista,” aniya.

Aniya, nagtrabaho raw siya noon bilang parking attendant sa isang mall sa Marcos Highway.

“Sa isang mall sa Marcos Highway,parang every weekend nagpa-parking attendant ako doon sa mall,” pagbubunyag niya.

Ayon pa kay Janine, hindi niya ikinahihiya ang kanyang marangal na trabaho noon dahil nakatulong ito para mapatatag ang kanyang pagkatao.

Dingdong bet ang kilikili ni Marian 

Umani ng samu’t-saring reaksyon ang pakili-kili pose ni Marian Rivera sa kanyang Instagram account.

May caption itong ” In silence and stillness.”

Marami ang bumilib sa flawless complexion ng Kapuso actress at pati na sa spotless nitong kilikili.

May mga nagkomento pang alagang-alaga

ni Marian ang kanyang alindog para sa hubby nitong si Dingdong Dantes.

Ito ang ilan sa komento ng mga netizen na na-amaze sa kanyang pakili-kili pose.

“Inaano po namin yung kili-kili? Sayo na po lahat. Wala ng natira samin? Hahahahahaha! Perfect! Namiss ko ang mga pasabog!”

“Sana all.”

“Ayan na naman ang kili-kili goals.”

“Uwian na! Wag na kayo lumaban!”

“Your armpit is brighter than my future.Sa kinis at puti ng kili-kili… okay uwian na ulit may nanalo na!Kahit ano yatang anggulo maganda ka eh! Sana all talaga naman.”

May mga humirit namang baka masundan na si Sixto lalo pa’t fetish o weakness ni Dingdong ang maputing kilikili ng asawa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.