Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Janine, Paulo amoy magdyowa

0 150

NI: ALWIN IGNACIO

Kilig na kilig ang mga fan nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino .Hindi na kasi maitatago ang kanilang ‘jowa realness’ state.

Magkasama sila ngayon sa America for work at recreation. Makikita na naglalakad si Gutierrez sa isang beach na kuha ni Avelino, agad-agad ang konklusyon na yes oh yes, sila na nga.

Ang chronicling at documenting ni Paulo ng candid moments ni Janine ay patotoo na he cannot get his eyes off his lady love. Lagi niya itong sinusundan ng tingin, sinisipat, malayo man ito at malapit. And photography is a major, major love language para sa aktor,sa true lang.

Ang ‘pagmamahalan’ nina Gutierrez at Avelino ay isa sa mga pangyayari sa showbizlandia na walang violent reaction. Lahat tanggap ito bilang natural progression of things para sa kanilang dalawa. Na hindi sapat ang mga katauhan nila sa pelikula at telebisyon na nagmamahalan. Tama na maski sa likod ng camera at sa tunay na buhay, ang kanilang pag-iibigan ay totoo at walang kapantay.

Ay! Heaven ang hatid sa atin nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino sa napapabalitang ‘romansa’ nila.

Leave A Reply

Your email address will not be published.