Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Janine, Paulo ginulo ni Jake

0 95

NI: ROLDAN CASTRO

Package deal nga ba ang pag-ibig kaya’t kailangan ding pakasalan ang pamilya at mga kaibigan ng taong minamahal?

Iyan ang sasagutin ng bagong kwentong pagbibidahan nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino sa inaabangang “Marry Me, Marry You,” ang unang Kapamilya teleserye nina Janine at Sunshine Dizon na mapapanood ngayong Setyembre 13 ng 9:20 PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, at TV5.

Sa mga gustong makapanood nang maaga, ipapalabas ang serye sa iWantTFC app (iOs at Android) at sa iwanttfc.com sa Setyembre 11, dalawang araw bago ito eere sa TV.

Good vibes at kilig ang hatid ng mga karakter nina Paulo at Janine na sina Andrei at Camille, na magkaiba ang kinalakihang pamilya.

Manggugulo rin sa pag-iibigang Camille at Andrei si Cedric (Jake Ejercito), ang best friend ni Andrei na may pagtingin kay Camille.

Saan ang hahantong ang love triangle na ito?

Leave A Reply

Your email address will not be published.