Abante Tonite Interactive

Janine at Rayver, iniimbita ni Elmo

By
909

“I’M happy for them,” ang sagot ni Elmo Maga­lona nang matanong siya kung ano ang reaksyon niya na may Rayver Cruz na ang ex-girlfriend niya na si Janine Gutierrez.

“I just want them to be happy,” dagdag pa niya.

Biro pa ni Elmo, pwede rin daw panoorin ng dalawa ang movie nila ni Janella Salvador na ‘My Fairy Tail Love Story’ on Feb. 14.

So, gusto ba niyang imbitahan sina Janine at Rayver?

“Yeah, sure. If they wanna watch it.”

Dahil pareho silang ABS-CBN talent ni Rayver, siyempre ay parati raw silang nagkikita at okay naman daw sila.

“Nakakasama ko siya sa ASAP, nakikita ko siya sa events ng Star Magic.”

Actually, matagal nang break sina Janine at Elmo at matagal na rin silang naka-move on tungkol dito. Happy na si Elmo kay Janella at si Janine kay Rayver.

Ogie at Regine ­takot sa mga ­foreign artist

ANG ganda ng ticket sales para sa #paMORE pre-Valentine concert nina Martin Nievera, Ogie Alcasid, Regine Velasquez at Erik Santos na gaganapin sa Mall of Asia Arena on Feb. 10. Almost sold-out na ang tickets kaya naman very happy ang apat na music icons. “I think, sa panahon ngayon na ang dami-daming entertainers and at the same time, maraming platforms for entertainment, it’s a blessing na gusto pa rin nilang manood sa amin. Mahirap ang pera ngayon. And nakakatuwa na pinag-iipunan nila ang concerts namin, so it’s really a blessing.

“Kaya nga kailangan, galingan pa namin. Saka ibahin ‘yung concert, ibahin ang kakantahin, ibahin ang io-offer mo. ‘Yun. It’s a constant challenge na masarap,” pahayag ni Ogie.

Ayon naman kay Regine, sa panahon ngayon talaga, talagang mas challenging na ang mag-concert dahil sa emergence ng iba’t ibang media platforms.

“But we’re very happy that people are excited to watch OPM artists again. Kasi, ang daming nagko-concert for the past 2 years. Ang daming nagko-concert na OPM artists and it’s good that people are watching it,” sey ni Regine.

Ang kalaban daw talaga nilang mga OPM sin­gers sa concert scene ay ang mga foreign artists.

“Ano naman ang laban naming sa foreign acts? Parang siyempre, hindi natin ‘yun nakikita lagi, so meron nang ganu’ng ano. So si­yempre, mas iipununin nila to watch the foreign acts.

“Like I’ve said, I’m just very happy that people are seemed to be watc­hing OPM shows lately and it’s good kasi para nakikita naman nila kung ano ang sariling atin, kung paano tayo mag-perform.

“Kinakarir din naman namin. Hindi naman talaga ganun na binibigyan lang namin kayo ng putsu-putsu na show. Bonggang-bongga ang effort,” saad pa ng Asia’s Songbird.

Ang #paMORE ay mula sa direksyon ni Paolo Valenciano at produced ni Anna Puno of Starmedia Entertainment.