Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Janine-Rayver serye naudlot

0 334

NI: MILDRED BACUD

May lumabas na namang balita na bago umalis si Janine Gutierrez sa bakuran ng GMA ay may alok daw itong project. Isang teleserye kasama ang real life boyfriend na si Rayver Cruz .Hindi na raw ito natanggap ng aktres dahil nakapagdesisyon na siyang lumipat sa Kapamilya. Napapatanong tuloy ang ilan kung ano talaga ang totoo. Sa side kasi ng Kapuso network ay may tsikang sila ang hindi nag-renew ng kontrata ng aktres taliwas sa mga lumabas na balitang si Janine ang nag-alsa balutan sa dating istasyon.

Reliable ang aming source sa hindi pag-renew ng management ng kontrata ni Janine dahil galing mismo ito sa malapit sa Kapuso network.

Anyway, tuloy na ang paglipat ni Janine at sa Dreamscape ang unang teleserye niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.