Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Janine sanib-puwersa sa 3 dating Kapuso

0 328

NI: ROLDAN CASTRO

Pormal nang inanunsyo ng ABS-CBN Entertainment ang unang teleseryeng pagbibidahan ni Janine Gutierrez bilang isang Kapamilya, ang light family drama series na “Marry Me, Marry You” kung saan makakatambal niya si Paulo Avelino.

Ito ang unang TV project na pagsasamahan nina Paulo at Janine kung saan bibigyang diin ang kaugaliang kapag ikakasal sa taong minamahal ay kailangan ding pakasalan ang pamilya, mga kaibigan, at mga taong malapit sa kanya.

“So honored to work with this stellar cast at hindi na ako makapaghintay na maibahagi sa mga Kapamilya ang nakakakilig at nakaka-inspire na kwentong ito,” pahayag ni Janine.

Dadagdag naman ng kinang sa “Marry Me, Marry You” ang pinakabagong Kapamilya star at award-winning actress na si Sunshine Dizon. Ito rin ang pinakaunang teleserye ni Jake Ejercito na gaganap bilang ka-love triangle nina Paulo at Janine. Matatandaan na dati ring mga Kapuso sina Paulo, Sunshine, Jake na makakasama ni Janine sa isang serye.

Ang “Marry Me, Marry You” ay sa ilalim ng produksyon ng Dreamscape Entertainment.

Leave A Reply

Your email address will not be published.