Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Janine tameme sa anak ni Paulo

0 253

Nainterbyu ni Mama Loi si Janine Gutierrez sa isang rally.

Tanong niya sa actress kunģ nagkita raw ba sila ng anak ni Paulo Avelino nu’ng nasa New York sila.

Ang sagot ni Janine ay mahabang “ahhhhhhhhhh… ” kaya sabi ni Mama Loi “nakahang?”

Sabi pa niya, “sabi kasi ni Paulo ipakikilala ka raw niya kay Aki na nanay niya (anak ni Paulo kay LJ Reyes) kapag nagkita sila ng kanyang anak.

Sagot naman ni Janine, “hindi naman nanay,” saka binirahan ng malakas na tawa
Kaharap ng dalawa ang mahusay na aktres na si Cherry Pie Picache.

Humirit itong ” may announcement ķa raw” baling ni Pie kay Janine.

SM food to go Banner Ad

“Wala… wala anong announcement?” natatawang sabi ni Janine.

Tapos sabi ni Cherry Pie,”ako ang presidente ng PauNine, sabay tawa nila ng aktres.

Natatameme si Mama Loi sa sinasabi ng batikang aktres at aniya, “may presidente na ng PauNine eh hindi pa naman sila umaamim.

Sabi naman ni Ogie, feeling daw niya ay ‘sila” na

Pero hindi naman daw nila pinangungunahan ang dalawang rumored celebrity couple.

Oo nga naman!!!

Leave A Reply

Your email address will not be published.