Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Janine, Vice sisterakas sa retoke

0 170

NI: ARCHIE LIAO

Pagkatapos pag-usapan sa social media ang kanyang bagong look, sa kauna-unahang pagkakataon, umamin si Janine Berdin na nagparetoke siya ng kanyang ilong. Ito’y sa online show ni Vice Ganda.

Ayon sa Tawag ng Tanghalan champion, umabot ng humigit-kumulang na isang buwan ang isinagawa sa kanyang nose enhancement procedure.

Sey pa niya, hindi raw niya ikinahihiya ang kanyang naging desisyon na sumailalim sa nose enchancement procedure.

Aminado kasi siyang insecure siya sa kanyang hitsura kaya nagawa niyang magparetoke ng kanyang ilong.

Kasama rin daw sa naging beauty regimen niya ang pagwo-workout a pagbabawas ng timbang.

Sey naman ni Vice, bilib siya sa naging ‘transformation’ ng dating Tawag ng Tanghalan champion.

Hirit pa niya, nakaka-relate raw siya sa karanasan ni Janine dahil siya man ay maraming beses na sumailalim sa ilang procedure para ma-enhance ang kanyang look kagaya ng pagpapabago sa hugis ng kanyang mata at baba.

Ayaw rin daw niyang husgahan ito lalo na’t dito siya liligaya.

“Alam mo, maraming magsasabi na ‘Mali si Janine Berdin. She should have felt happy about herself. Dapat tanggap niya ‘yung sarili niya. Dapat naa-appreciate niya ‘yung sarili niya. Kasi ‘yung laging linya na ‘Yan ‘yung binigay sa’yo ng Diyos eh, ba’t binabago mo?’ Makakarinig ka ng mga ganun. “Pero ako naman, hindi natin masisisi si Janine. Ang sinasabi ko lang is, para sa akin, walang masama sa ginagawa mo. Kasi ‘yung katawan mo gift ‘yan. Pero ‘di ba lahat naman tayo, ‘yung regalo natin may kanya-kanya tayong choice kung paano natin babalutin ‘yung regalo? ‘Di ba ‘yung iba nilalagyan ng ribbon para mas maganda? ‘Yung iba bibiili ka ng mamahaling wrap para mas maganda…

“Ako ginawa ko rin ‘yan sa sarili ko eh. Nagpagawa ko ng mata, nagpagawa ako ng pisngi, ng baba, ‘di ba? So choice natin kung paano natin ira-wrap ang mga sarili natin. Pero ang malinaw sa atin, ang pinakamalaking regalo natin, hindi naman ‘yung mukha kundi ang nasa loob. ‘Yung totoong regalo, ‘yung puso natin,” sey ni Vice.

Gayunpaman, klinaro niya na hindi nila pino-promote na kailangan magparetoke ang isang tao para maging masaya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.