Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Janine, Vico buking ang nakaraan

0 183

NI: ARCHIE LIAO

Marami ang nag-react sa throwback photo na ibinahagi ni Lotlot de Leon sa kanyang Instagram account.

Nahukay niya sa baul ang lumang litrato ni Janine at Mayor Vico Sotto na magkasama sa okasyon ng kanilang pagtatanghal sa isang school play noon.

May caption itong:

“Kaybilis ng panahon.. ang aking panganay na laging kasama dati sa school play at ang kanyang leading man ay walang iba kundi ang napakahusay na Mayor ngayon ng Pasig.

🏓Janine and Mayor Vico!

Both meant to be great in their chosen careers!

Napakasarap alalahanin at tingnan!

Nakaka-proud talaga 🏓Hi babe! @janinegutierrez.”

Sumagot naman si Mayor Vico kay Lotlot ng:”Thank you, Tita@lotlotdeleon! Last appearance ko po bilang artista iyong play na ito!’

May mga kinilig naman sa mga batang photos ng dalawa.

Nabuking din na may nakaraan pala sina Janine at Vico.

May ilan namang nanukso at nagbiro na mas bet daw ni Lotlot si Mayor Vico kesa Rayver sa kanyang panganay.

Ito ang ilan sa kanilang mga komento.

“Sobrang cute ni Janine!”

“Mukhang bet ng nanay si vivicoh”

“Good catch kasi!”

“May pahiwatig ka ba momsh? Ship mo ba sila?”

Leave A Reply

Your email address will not be published.