Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Janine walang oras kay Paulo

0 185

NI: Vinia Vivar

Working Valentine ang katatapos lang na Araw ng mga Puso kay Janine Gutierrez. Aniya, si Lovi Poe raw ang ka-Valentine niya dahil nagti-taping sila that day ng bago nilang iWantTFC series na Sleep With Me.

Pero hindi niya itinanggi na may natanggap siya noong Valentine’s Day na hindi na niya in-elaborate kung galing kanino at kung ano ang gift.

Sinabi ito ni Janine sa katatapos lang na Kapamilya fundraising show para sa biktima ng typhoon Odette. Kasabay niya rito ang nali-link sa kanyang si Paulo Avelino.

Umamin ang aktor na may pinadalhan din siya ng regalo noong V-Day na hindi na niya sinabi kung sino.

Anyway, hindi sinabi ni Janine kung loveless ba siya ngayon pero mukhang naka-move-on na rin siya sa break-up nila ni Rayver Cruz.

Sa nasabing fundraising show ay natanong nga sila ni Paulo kung tuloy pa rin ang communication nila kahit tapos na ang taping ng serye nilang Marry Me, Marry You.

“Yeah. Hindi naman kami taping friends lang na tipong pagkatapos ng trabaho ay hindi na mag-uusap or magkikita,” sey ni Janine.

Natanong din kung ano ang kanilang love language at si Janine ang sumagot para kay Paulo.

“Feeling ko si Pau, ang love language niya is. . .ano nga ba ‘yun? Gift, touch, quality time, service, ano ‘yung isa? Lima ‘yun, di ba? Ah, words of affirmation. Si Pau, parang lahat,” sey ni Janine sabay-tawa.

Tinanong naman si Paulo kung importante ba sa kanya kung nabibigyan siya ng quality time at sagot ng aktor, “para sa akin, ‘yun ang pinaka-importante, eh. Kasi, kung walang oras, bakit pa kayo magkasama, di ba? Parang hahanap ka na lang ng ibang taong may oras para sa iyo.”

Nang matanong kung may oras ba si Janine para sa kanya, tinanong ni Pau ang aktres, “meron ba?”

Hindi nakasagot si Janine.

Sabi ni Pau, change topic na raw dahil nasasaktan siya.

Needless to say, ang daming kinilig na fans kina Janine at Paulo. Komento nila, bagay na bagay raw talaga ang dalawa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.