Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Janitor dinagit sa haybol bago tinumba

0 226

Patay ang isang janitor makaraang pasukin sa loob ng kanyang tahanan at hatakin palabas saka pinagbabaril ng ‘di kilalang lalaki sa Barangay Batasan, Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Kerzie Gubat Sacramento, 26.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), alas-7:14 Sabado ng gabi nang maganap ang pamamaril sa harapan ng bahay ng biktima.

Batay sa imbestigasyon ni P/SSg. Bienvinido Ribaya III, ng CIDU-QCPD, nasa loob umano ng kanyang tahanan ang biktima nang biglang pumasok ang ‘di pa nakilalang gunman at hinila ito palabas.

SM food to go Banner Ad

Nang nasa labas na ng bahay ay saka malapitang pinagbabaril ang biktima. Duguan itong bumagsak habang mabilis na tumakas ang salarin.

Isinugod pa sa Maclang Memorial Medical Center ang biktima subalit binawian din ito ng buhay sanhi ng tinamong maraming tama ng bala ng baril sa katawan.

Masusi pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad sa motibo ng nangyaring pamamaril. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.