Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Janitor ng ospital natagpuang agnas

0 359

NAAAGNAS na ang katawan ng isang 52-anyos na janitor ng General Emilio Aguinaldo Hospital nang natagpuan sa loob ng kanyang bahay sa Trece Martires City Martes ng gabi.

Kinilala ang biktma na si Antonio Biatriz Villagen, may-asawa, ng Purok 4 Brgy Osorio, Trece Martires City at janitor ng GEAH sa Trece Martires City, Cavite.

SM food to go Banner Ad

Sa ulat ni PMSgt Richard Chavez, ng Trece Martires City Police Station, alas-6:30 kamakalawa ng gabi nang sorpresang binisita ni Elvira Navarro, dating kasamahan sa trabaho, ang biktima sa kanilang bahay pero laking gulat nito na wala ng buhay at naagnas na ang katawan nito nang datnan habang nakahiga sa kanyang kama dahilan upang ipagbigay alam sa barangay officials ang insidente.

Sinasabing ang biktima ay dumaranas ng high blood at iba pang sakit. Gayuman, inaalam pa ng pulisya kung ano ang naging sanhi ng kanyang kamatayan at kung may naganap na foul play. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.