Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Janno dusa sa suot

0 42

Tama naman na pumalag si Janno Gibbs pag sinasabi ng mga basher niya na laos na siya. Mabenta pa rin ang aktor lalo na sa paggawa ng pelikula.

Bagamat pinaubaya na niya ang ‘Pedro Penduko’ sa mga batang artista, meron pa rin siyang superhero movie na “Mang Jose” .Ito ay first time na makakasama niya sina Manilyn Reynes at Bing Loyzaga sa isang project.

Sumabak pa rin siya sa mga stunt at hindi pumayag na dayain ang mga pinagawa sa kanyang action scenes.

“Mas mahirap ngayon ang stunts dahil matanda na ako, bata pa ako sa Pedro Penduko, eh,” bulalas ni Janno sa virtual presscon.

“But honestly, I think, physically, ha? I think I have one more action superhero movie in me. Kaya ko pa siguro nang isa pa. But I can assure you na mga 90% ng action dito eh, ako talaga. Yung double, mga 10% lang,” sambit pa niya.

Aminado rin siyang nagdusa sa suot na costume.

“ Sa fight scenes kasi ay mabigat siya.Mainit, plus yung goggles ko hindi ako masyadong makakita. So doble ang hirap pagdating sa fight scenes,” bulalas pa niya.

Hitsurang naligo siya sa pawis sa costume niya.

Palabas na ito ngayon sa Vivamax Plus. Ang regular streaming ng Mang Jose ay sa Dec. 24 sa Vivamax. Kasama rin niya sina Mikoy Morales at Jerald Napoles.

Mga miyembro ng That’s Entertainment nag-reunion

Bukod sa ‘Mang Jose’ malaki rin ang role ni Janno Gibbs sa musical film na Yorme. Siya ang nagbigay buhay sa karakter ng star builder na si Kuya Germs.

At take note, muling nagsama-sama sa nasabing musical film ang ilan sa mga dating sikat na miyembro ng youth oriented show na “That’s Entertainment.”

May cameo role sina Bryle Mondejar, Jojo Abellana, Jennifer Mendoza, Jovit Moya, Manolet Rippol, Jojo Alejar, Lovely Rivero, Keempee de Leon, Ricky Rivero, Karen Timbol, Jeffrey Santos at Maricaar de Mesa.

Gumanap naman bilang parents ni Isko Moreno sina Tina Paner at Monching Gutierrez samantalang si Jestoni Alarcon ay si Daddy Wowie Roxas, ang discoverer at talent manager ni Isko.

Sinadya ng director ng pelikula na si Joven Tan na bigyan sila kahit maliliit na role dahil bahagi ng istorya ng buhay ni Isko ay nagsimula sa That’s Entertainment .

Ayon kay Direk Joven, madali niyang napakiusapan ang mga ito. Ang medyo naging mahirap lang para sa kanya ay kung saan hahagilapin ang iba dahil karamihan sa kanila ay hindi na rin aktibo sa showbiz.

“Wala namang naging problema. Excited pa nga sila, eh,” lahad ng direktor.

Ang Yorme na prinodyus ng Saranggola Media Productions and distributed by Viva Films . Pinagbibidahan nina Raikko Mateo (batang Isko), McCoy de Leon (teenager na Isko) at Xian Lim (present generation Isko). Mayroong 15 original songs sa pelikula na lahat ay sinulat ni Joven na isa ring award-winning songwriter at 2013 grand champion ng Himig Handog P-Pop Love Songs para sa kantang Ano’ng Nangyari Sa Ating Dalawa.

Kabilang dito ang kantang Naniniwala Ako ni Raikko, Nais Ko at Artista Na Ako ni McCoy, at Alam Ko Po Yon ni Xian.

May production numbers din si Janno as Kuya Germs ng mga kantang Palakpakan at Bakit Lahat Gustong Mag-artista? suot ang kumikinang nitong coats na naging trademark noon ni Kuya Germs. Of course, may konting kwento rin tungkol sa humble beginnings ng Master Showman bago siya nakilala sa industriya.

Ang pelikulang Yorme ay very entertaining dahil sa magagandang kanta at production numbers ng cast.Mapapanood ang Yorme sa mga sinehan sa Dec. 1.

Leave A Reply

Your email address will not be published.