Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Janno ‘ipapakulong’ ni Kitkat

0 130

NI:MILDRED BACUD

Nagpaplano raw na magdemanda at umano’y ipakulong ni Kitkat Favia ang co-host niya sa ‘ Happy Time’ na si Janno Gibbs. Pinahiya raw kasi ito . Totoo bang pinagmumura raw ni Janno si Kitkat?

Nagulat na lamang daw ang staff at mga contestant na nandun sa studio last Thursday sa NET 25 Eagle Broadcasting Corporation.

Inakala lamang ng mga nandun na isa itong prank pero nang ibato na ng aktor ang microphone at umalis ay inisip na nilang totoo.Mangiyak-ngiyak na raw si Kitkat sa insidente pero pinipilit pa ring ngumiti.

Nangyari daw ito sa “Kantanungan” segment na guest si Marco Sison.

Napikon daw si Janno nang maunahan siyang makuha ‘yung scarf ng team ni Marco .Tapos ay nagalit daw at kung ano-ano na umano ang pinagsasabi.

Rehearsal pa lang daw ‘yun nang umalis na si Janno. Si Kitkat ay mag-isang nag-host sa actual taping. Wala raw si Anjo Yllana nu’ng maganap ang gulo. Posibleng maiba ang situwasyon kung andun siya dahil napigilan sana ang ganitong eksena.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nang mag-update kami sa isang staff ng Net 25 na kilala namin ay ayaw nitong magkuwento.

Wala raw siya sa posisyon para magsalita at hindi rin niya sinagot kung may ganoong insidente.

May tsika rin na kumakausap na ng abogado ang komedyana para sa kung anong kasong pwedeng isampa.

Sa ngayon ay kinukuha namin ang totoong kuwento kay Kitkat pero di ito sumasagot sa FB messenger.

Bukas din ang Abante Tonite sa panig ni Janno Gibbs para sa ikalilinaw ng isyu.

Leave A Reply

Your email address will not be published.