Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Janno, Kitkat lumala ang giyera

0 119

ROMMEL PLACENTE: May hidwaan nga bang nagaganap ngayon sa dalawang host ng Happy Time ng Net 25 na sina Kitkat Favia at Janno Gibbs mga ka -Cuatros? May lumabas kasing balita na balak mag-file ng kaso ang una laban sa huli.May alingasngas na pinahiya at minura umano si Kitkat .

Agad naming chinat ang actress-tv host para tanungin kung totoo ito. Ang reply niya sa amin,”Hi po kuya my labs. Sorry po di pako pwede muna magsalita.”

Pero mukhang may patutsadahang nagaganap sa kanila ni Janno sa kani-kanilang social media accounts. Ang unang post kaya ni Janno sa kanyang IG acount ay patungkol kay Kitkat? Sabi niya kasi,”The worst people are those who judge the fault of others but blind to their own” Sinundan ito ni Janno ng poster ng pelikula ng namayapang aktor na si Fernando Poe Jr. na ang titulo ay Kapag Puno Na Ang Salop.

Bigla namang nag-tweet si Kitkat ng”Treat people the way you want to be treated. Talk to people the way you want to be talked too.Respect is earned not given,’ Sagot naman kaya ito ni Kitkat sa post ni Janno?

Nasundan pa ang post ni Kitkat.Sabi niya,”Go ahead tell me more about this victim people you play due to the circumstances you created for yourself.”

Sa isa pang post ng TV host-comedienne,”Stop playing victim in situations you’ve created. And then flip the story to manipulate people to thinking you’re innocent.”

May mga comment naman ang netizens na gimik lang daw ito para panoorin ang noontime show nila Bagsak daw kasi ito sa rating.

Muli kaming nag-chat kay Kitkat para naman kunin ang reaksyon niya sa mga hindi magagandang komento sa kanila ni Janno.

“Hi kuya ko. Naku kilala nyoko eversince mahilig talaga ako magpost ng mga quotes. Mapa showbiz o hindi sa tama lang ako. Usually mga quotes ko in general po un. Labyu!”

In fairness ke Kitkat, hindi siya mahilig gumimik para mapansin lang. Talented naman siya kaya ‘di nawawalan ng proyekto sa showbiz.

RODEL FERNANDO: Tuwing nasisilip ko ang noontime show na Happy Time ng Net 25 ay isa lang ang masasabi ko. Magaling mag-host si Kitkat. Keri niyang mag-adlib at magdiri-diretso sa pagsasalita na hindi na kailangang may babasahin. Sa sarili kong obserbasyon lang ito , nilalamon niya ang mga co-host niyang sina Janno Gibbs at Anjo Yllana. Hindi kaya isa ito sa dahilan kung bakit may sigalot diumano ngayon sina Kitkat at Janno?. Baka ayaw ng huli na nasapawan siya. Sa totoo lang kasi marami ang nagkakagusto sa pagho-host ng babaing komedyante sa programa.

Sinasabi pang dahilan ay baka raw hindi nagugustuhan ni Kitkat ang palaging diumano’y late ni Janno sa call time.

Well, alam namin na may mabigat pang dahilan bukod dito pero sana kung may sigalot man sila ay dapat na itong ayusin para sa kanilang show. Hindi pa ganoon ka-popular ang Happy Time pero hindi rin naman napag-iiwanan. Mas may viewers nga raw ito kumpara sa isang show sa ibang network. Pero for sure sa mga darating na araw ay magkakabati rin ang dalawang ito sa sinasabing gusot daw nila.

MILDRED BACUD: The fact mga ka- Cuatros na may ganitong umalingasaw na kaganapan, feeling ko may katotohanan. Kasi ayaw man magkomento ng isang staff na kaibigan natin sa Happy Time, para sabihing wala siya sa posisyon para magsalita eh there is something talaga. Pwede naman sabihing hindi totoo yun at walang ganung pangyayari. Wala pa ngang diretsahang nagsasalita kina Kitkat at Janno Gibbs hanggang ngayon. Baka naman kasi pumapagitan na si Anjo Yllana na matalik na kaibigan ni Janno o pwedeng inaayos ng management ng Net 25.

Pero sa kuwentong ito ay nakakakungkot naman dahil tatlo lamang silang hosts sa show ay nagkakaroon pa ng di pagkakaintindihan. Besides only girl ang komedyana na dapat ay pinoprotektahan ng mga kasama niya dahil sila ang nakakatanda. Pero di ko sinasabi kung sino ang mali kasi di pa rin naman natin alam ang totoong nangyari. Pero sa isyung ito talo si Janno para sa akin. Bakit? Kasi siya yung may history na di maganda sa kanyang trabaho. Nawala sa Eat Bulaga dahil sa pagiging unprofessional daw. Lumipat sa ABS CBN, nagkaisyu na naman at ang hindi niya pagsipot sa ilang showbiz commitments. Alam naman natin na whatever he has done in the past will not define him as a person. Sabi nga ni Anjo nang huli nating makausap sa Happy Time, nakita niya ang pagbabago ng kaibigan para mapabuti na ang trabaho. Sana lang maayos. Yun naman ang hangad natin sa mga nagkakagalit sa showbiz. Maliit lang ang mundo natin.

ROLDAN CASTRO: Kapatid na Rodel , do something. Ha!ha!ha!

Dapat pagharapin na ng Net 25 sina Janno at Kitkat. Dapat maayos na ang gusot sa lalong madaling panahon.

True ba ang chism na hindi muna sisipot sa Happy Time si Kitkat? Kalorky naman na ‘yung ‘Happy Time’ ay napapaligiran na ng kalungkutan.

Nag-PM kami kay Kitkat sa messenger at ngayong araw na ito ay magmi-meeting na raw sila.

Aba’y dapat, nararapat at karapat-dapat na mag-usap. Kung kayang ayusin, ayusin nila.

Sayang ang nasimulan nilang show!

Agree din kami na ‘wag munang husgahan si Janno base sa naglalabasang balita hangga’t hindi binibigay ng dalawa ang tunay na istorya at pangyayari.

Pak!

Leave A Reply

Your email address will not be published.