Abante Tonite Interactive

Janno nagbuyangyang ng ‘palo-palo’?

1,944

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacioUsapang mang-aawit pa rin, issue ba talaga kung sakaling si Janno Gibbs nga ang bida sa isang photo scandal?

Ang unang isyu ba rito ay kung gifted ba siya o grower? Siyempre­ pa ang makakapagpatunay sa size that matters niya ay si Bing Loyzaga.

Alangan namang uriratin pa natin ang mga nakalipas niyang ‘di maaring balikan.

Isyu ba na wala sa hulog ang ganitong payanig dahil nga hindi na siya spring chicken at old cock na siya? Ayokong maakusahan na yumayakap sa ageism kaya kung gusto niyang ibuyangyang ang palo-palo niya, he knows better.

Isyu ba kung sasabihing this is such a cheap stunt at parang hungry si Janno para sa publisidad? Well, the picture served its purpose, napag-usapan naman si Gibbs, ‘di ba?

Kung ibabase sa umano’y photo scandal, he is a man with a big stick, he matters at hindi pa siya finality the WHO!

Dulce nakipagtarayan sa Facebook

Papatulan ba natin ang Facebook tarayan na namamagitan kina Dulce at sa isang manunulat na hindi­ ko papangalanan. Ayaw ko siyang­ pangalanan dahil baka magamit niya ako sa quest niyang maramdaman muli ang kanyang presensya sa showbizlandia.

May feeling of self-importance at illusion na relevant pa kasi siya. Alam na alam na ang karakas at kamalasudahan niya at sa true long, super full of hatred at vitriol ang kanyang mga posting na disguised as an opinion of someone who thinks he knows better.

Iba rin siya talaga. One must avoid him like a plague!

Burado na sa Facebook. Kung nabasa niyo ang kanyang saloobin, dama mo talaga na hindi lang poot niya. Medyo personal ang atake at may mga salita siyang naisulat na talagang ang kanyang tinatarayan sa post, durog na durog.

Ang nasabing aria mula sa manunulat, ibinahagi ni Dulce sa kanyang Facebook page. My dear readers, pakibasa at kayo na ang humusga kung may katwirang magalit ang singer at kung makatwiran rin ang manunulat.

Wala namang hindi nakukuha sa magandang usapan kaya sana, may mamagitan kina Ms. Dulce at sa manunulat para maayos ang kanilang kaguluhan.