Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Janno pinatawad na ni Kitkat

0 64

Janno pinatawad na ni Kitkat okey na sina Kitkat Favia at Janno Gibbs pagkatapos ng insidente sa kanilang noontime show sa Net 25 na “Happy Time.”

Mababasa sa Facebook account ni Kitkat,” Maraming salamat sa suporta at pagmamahal ninyo..

Dahil ako po ay minamahal ninyo at alam kong blessed ako, AKO PO AY NAKAPAG PATAWAD NA! sino ba naman ako para hindi magpatawad, ang DYOS pinatawad ako sa mga kasalanan ko , nararapat lamang na ako ay magpatawad… makakagaan sa aking buhay at loob…

Opo sa lahat ng nangyari ,,, totoo po lahat yun, pero again AKO PO AY NAGPAPATAWAD NA … thank YOU LORD for the strength ”

Nag-PM kami kay Kitkat kung si Janno ba ang pinatawad niya?

SM food to go Banner Ad

“Kuya ko. Opo hirap sa una. Mabigat pa rin nung una naisip ko si ate Cherry Pie sya pinatay nanay nya pero nagawa nyang magpatawad. I grew up na pinapahalagahan ang word of God kaya humawak ako ng Bible at i chose to be the bigger person.Totoo naman lahat ang nangyari pero sino ba naman ako para ‘di magpatawad?

“Hirap bigat pero sabi ko nga baka mamatay ako di ako patawarin ni Papa God. Ngayong alam ko anytime pwede mamatay kahit anong edad.Takot ko lang kay Lord,” sambit pa ng actress-tv host sa chat

“Hirap magdesisyon nang napakalaki pero ikinagaan ng kalooban ko ‘yun . Galit pa rin pamilya ko pero yun ang sinasabi ko kaya nga ganito akong lumaki kasi napalaki ako ng tama. Asawa ko paladasal din pamilya nila at sa pamilya laging may mabigat na ganyan prob pero at the end of the day need pa din patawarin,” lahad pa niya.

‘Yung episode mamaya ng ‘Happy Time’ na mag-isa si Kitkat ay hindi na ipapalabas. Live daw silang mapapanood ngayong tanghali.

Leave A Reply

Your email address will not be published.