Abante Tonite Interactive

Janno pursigidong ibangon ang pagkalaos

0 166

Hindi naging maganda ang taong 2018 para sa OPM singer at aktor na si Janno Gibbs. Ang inaakalang smooth-sailing career sa paglipat niya sa ABS-CBN music label ay magiging mailap pala sa kanya.
Paminsan-minsan ay nagra-rant na siya sa kanyang Instagram at parang nakalimutan na raw umano siya. Hindi siya kabilang sa ABS-CBN Christmas Station ID.
Ikinatampo rin niya ang hindi pag-imbita sa kanya sa anniversary show ng FPJ’s Ang Probinsiyano na kung saan ay naging guest siya.
Higit na nagpapa­ngit ng taon niya ay nang kumalat ang umano’y video scandal niya.
Bagamat ‘di maganda ang taong 2018 ay mananatili pa rin umano siyang matatag dahil sa mga taong patuloy na naniniwala sa kanya.
Ani Janno sa kanyang Ins­tagram, “So 2018 wasnt a good year for me. Had more downs than ups. On the brighter side,i discovered a lot of you still root for me des­pite my failures..and that’s More than enough reason to get up and try again.” (Ronaline Avecilla)