Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Janus na-scam sa P1,500

0 99

Nabalot ng panghihinayang si Janus del Prado matapos siyang mabiktima ng scammer. Nag-aalok daw ito ng mauupahang apartment.

Kuwento ni Janus sa kanyang IG post nu’ng Huwebes, atat na siyang makalipat dahil overstaying na siya sa tinutuluyan.

Ang nangyari, nang may makita siyang nagpaparenta sa halagang P5,000 kada buwan ay kinagat niya ito . Nagbayad na agad ng P1,500 na registration fee.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pero, nang puntahan ang sinasabing paupahan ay doon niya nalaman na scam pala iyon.

“I don’t know how to go about this kung paano ko irereport at ipapahuli. So for now warningan ko na lang kayo,” saad ni Janus, habang binahagi ang FB account ng umano’y nag-scam sa kanya.

“And sana marefund din yung na transfer ko sa account nya. Wanpayb pa rin yun ba,” dugtong pa ng aktor. (MJD)

Leave A Reply

Your email address will not be published.