Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Janus pinagtripan sina Lloydie, Ellen, Derek

0 137

NI: VINIA VIVAR

Laugh trip ang ipinost na meme ni Janus del Prado sa kanyang Instagram page tungkol kina Derek Ramsay, Ellen Adarna at kaibigan niyang si John Lloyd Cruz.

Pinagtabi niya ang larawan nina Ellen at Derek na sweet sa isa’t isa taken at the dinner party hosted by the actor at ang photo ng eksena nila ni Lloydie sa “One More Chance.”

Bale ba, ang eksenang pinost ni Janus ay ‘yung part na inaawat niya si Popoy (Lloydie) dahil nagagalit ito kay Mark na ginagampanan ni Derek. In that scene, nagseselos si Popoy kay Mak dahil akala niya ay inaagaw nito sa kanya si Basha (Bea Alonzo).

SM food to go Banner Ad

Caption ni Janus, “Poy, tama na, tara na sa labas” at nilagyan ng hashtags na #goodvibesonly at #onemorechance.

Sa comments section, tigas na katatawa ng mga netizen at halos lahat ay nagsipag-post ng laughing emojis.

“Nice one,” komento ng isang netizen.

Ang iba naman ay pinuri ang pagka-witty ni Janus na imagine nga naman ay naisip pa ‘yung lumang movie kung saan ay third party si Derek sa Lloydie-Bea movie.

Anyway, in real life, talagang interesado rin ang lahat sa reaksyon ni Lloydie sa pagkaka-link ngayon ng ex-girlfriend niyang si Ellen kay Derek.

Leave A Reply

Your email address will not be published.