Abante Tonite
Mabilis sa Balita

JanVer panis sa Julie Anne, Cruz

0 106

Binibigyang kulay ng mga katkatera ang naging pahayag ni Rayver Cruz na ‘may something’sila ni Julie Anne San Jose kaya namang nagwo-work ang kanilang tandem.

For one, pareho kasi ang interes nila ng Kapuso singer-actress.

Katunayan, sobrang bilib siya kay Julie Anne dahil napaka-versatile raw nito.

Sey pa niya, tinuturuan daw siya nito ng maraming bagay tulad ng dancing, singing at performing.

“Marami pa akong natutunan in terms of pagkanta, pag-perform kasama si Jules kasi siya ‘yung nagtuturo sa ‘kin and lahat kasi kaya niyang gawin so parang nadadala ako kapag kasama ko siya,” paliwanag ni Rayver.

Ipinaliwanag pa niya kung paanong feeling niya ay meron silang koneksyon.

“May ano e, ‘di ko pa ma-explain. Parang meron kaming something na nag-jibe talaga kami ‘pag ando’n sa stage. ‘Di pa nga ako nagsasalita tumatawa na ‘yan,” sambit niya.

Aminado rin naman si Rayver na madalas na natutukso sila ng kanilang mga kasamahan dahil sa closeness nila sa The Clash at sa All Out Sunday.

Dahil dito, may mga mahaderang nagsasabing mas may chemistry at spark daw ang dalawa kumpara kay Rayver at sa ex nitong si Janine.

Barbie pinaglaruan ni Xian

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nagpapakontrobersyal ba ang isang social media influencer na si Xian Ganza

Ngayon, may pa-blind item pa siya sa kanyang latest posts pero may mga isinasangkot naman siyang ibang celebrities.

Kinol-out niya kamakailan si Diego Loyzaga sa umanoý pagpunta nito sa bahay ni AJ Raval without the knowledge of his girlfriend na si Barbie Imperial.

Hirit tuloy ng ilan, ano raw kaya ang gusto nitong palabasin: ang pag-awayin ang showbiz sweethearts?

As if it were not enough, kinol-out naman niya ang atensyon ng Kapuso actress na si Barbie Forteza dahil may itsitsika raw siya rito tungkol sa boyfriend nitong si Jak Roberto.

May sikreto kaya ang Kapuso actor?

Marami tuloy ang nawiwindang sa series of pasabog ng SMI.

Nagpapansin lang daw ba ito o bet din nitong maging paparazzi dahil sa “marites persona” nito online.

May kibitzers ding nagtatanong kung papatulan ba ng mga nasabing personalidad ang kanyang mga na pasabog?

Leave A Reply

Your email address will not be published.