Abante Tonite Interactive

Jao Nilaglag si Tsong, nag-throwback kay Osang

1,748

Ni: Nonie V. Nicasio

Malaking bagay sa career ni Jao Mapa ang pagiging produkto ng “Palibhasa Lalake” ng ABS-CBN 2 na tinampukan nina Richard Gomez, Joey Marquez, John Estrada, Gloria Romero at iba pa. Isa ito sa top rating show ng bansa noon na tumagal nang higit isang dekada.

Pumasok si Jao rito bilang 4th member ng grupong Gwapings na binubuo nina Mark Anthony Fernandez, Eric Fructuoso, at Jomari Yllana. Sila ang masasabing counterpart ngayon nina Daniel Padilla, James Reid, at Enrique Gil na tiniti­lian talaga ng mga kababaihan.

Marami ring nagawang pelikula noon si Jao at ilan sa nagmarka nang husto ay ang “Pare Ko” at “Matrikula” na pinagtambalan nila ni Rosanna Roces.
Nawala si Jao pansamantala sa sirkulasyon sa showbiz nang mag-focus siya sa pag-aaral sa UST ng kursong Fine Arts. Ngayon ay isa siyang painter na tinatawag na figurative expressionist, nagtuturo rin siya sa Canadian American School at madadagdagan pa ito ng isa pang school sa next semester. Kasal siya kay Cecille at mayroon silang tatlong sup­ling – sina Benjamin, Caleb at Amber Marie.

Napapanood pa rin siya sa pelikula at TV ngayon at nang ma­ging panauhin siya sa online show ng Abante Tonite na “Tambayan ng Tsika,” ipinahayag nga ni Jao ang kagalakan dahil nagiging madalas na naman ang mga proyekto niya sa showbiz. Kabilang sa pelikula niya ang “Bato: The Gen. Ronald dela Rosa Story,” starring Robin Padilla na showing na sa Jan. 30, “Sarah and Cedie,” “Despicable Rascals,” at iba pa.

Sa pictures segment ng TNT, natanong si Jao kung ano ang best memory niya kay John? “When I was in ‘Palibhasa Lalake’, I’d bring my projects from UST, tapos ginagawa ko on the set, sa may makeup room tapos nadaan siya, ‘Uy wow okay ah.’ So napapansin niya ginagawa ko na parang, ‘Okay ‘yan, pagpatuloy mo ‘yan.’”

So hindi pala siya bad influence? “Bad influence? Ang bad influence si Joey Marquez, hahaha! Nakuwento ko na ‘to dati eh, katabi ko siya eh, e ‘di ‘yung mga Gwapings kasama ako, ‘Ganito magtrato ng babae…’ magkukuwento ‘yan, ‘yung mga experiences niya with different women… Ilalaglag ko na siya ha, lahat ng mga babae na igini-guest niya sa ‘Palibhasa Lalake,’ hindi si Ri­chard Gomez ang nag-uuwi, siya (Joey) Hahaha!” nakatawang
saad ni Jao.

Saad pa niya, “Bukod sa pagiging idol siya sa chicks, tinitingala ko siya bilang isang pamilyadong tao. Ang galing, he loves his kids, nakilala ko rin ang mga anak niya, sina Jeremy, ‘yung son niya sa States, sina Winwyn… He is really funny and nice.”

Nang si Richard naman ang ipinakita ang photo, sinabi ni Jao na na-starstruck siya kay Goma nang una niya itong makita. Kaya nang nakatrabaho niya ito sa ‘Palibhasa’ ay sobrang proud siya.

Noong first time na nakita niya ang kaseksihan ni Osang, ano’ng na-feel niya? “At that time, siya ‘yung number one hot siren, parang sex goddess, ‘di ba?

“We did a movie, ‘Matrikula’ and it became a hit. And from then… I remember when we did the movie, parang may earthquake sa premiere night, talagang nagkagulo sa sinehan. For sure one of the experiences na for keeps, memories na lang and you get to tell the story na lang after a few years.”

Na-in love ba siya talaga kay Osang noon? Sagot ni Jao, “Everybody falls in love with Rosanna Roces. Not only me, as an artist, then on the screen, as an actor, yes.”

So, ‘di pala fling lang ‘yun, may feelings din? “Oo, oo naman, oo naman,” aniya.

Halos 20 years old na siya nang gumawa sila ng movie ni Osang, so tinamaan ba siya talaga kay Osang? “Oo ganoon na lang ang sabihin natin, tinamaan… lumang issue na iyan, eh. Hahahaha!” nakatawang reaksiyon pa ni Jao.

Wish ni Jao na maging director siya someday at gusto niyang ang mga kapwa niya Gwapings ang maging artista niya.

Rochelle Tuloy ang laban ng hustisya para sa kapatid

Ni: Nonie Nicasio

Naging emosyonal ang aktres na si Rochelle Barrameda nang maging panauhin siya sa online show ng Abante Tonite na “Tambayan ng Tsika.”

Sa panayam namin sa kanya, kasama sina katotong Roldan Castro, Alwin Ignacio at Rona Ronda, napaiyak si Rochelle nang usisain kung ano na ang status ng kaso ng kapatid niyang pinaslang na si Ruby Rose na natagpuang nakasilid ang bangkay sa drum ilang taon matapos itong mawala.

Lahad niya, “For almost 12 years, we’re still fighting. May times may mga nakaka­usap ako na friends ko, ‘yung mga alam kung ano talaga ‘yung nangyari sa pamilya namin. Sinasabi nila sa akin, ‘Rochelle alam mo, nagawa mo na ‘yung part mo as a sister, kumbaga nakita naman namin kung paano ka lumaban, kung paano mo ipaglaban talaga ‘yung hustisya para sa kapatid mo.’”

Naniniwala ba siyang makakamtan pa rin nila ang hustis­ya? “Naniniwala pa rin ako na may Diyos, it happens for a reason. Hindi man namin alam kung ano ba talaga, pero in time… justice system, hindi ako masyadong naniniwala. Kasi sa pinagdaanan namin, ‘yung mga delaying tactics, ‘yung paano kung wala kang pera? Paano kung wala kang kakilala? Kasi noong time na ‘yun, very thankful ako dahil kahit paano, kilala ako, na kahit paano may mga tumutulong.”

Napatawad na ba niya ang gumawa ng karumal-dumal na krimen sa kanyang kapatid? “Honestly, no. Ang mommy ko, sabi niya sa akin, ‘Anak, alam mo mahirap kasi ‘yung may bigat,’ Sabi ko, ‘Ang hirap naman sabihin na napatawad ko na sila.’ Kasi kung nakita niyo lang ‘yung itsura ng kapatid ko noong inilabas (sa drum) na may posas, nakapulupot ng tape ‘yung kanyang ulo, ‘yung ipinangsakal sa kanyang lubid nandoon pa… nakatali ‘yung mga paa niya. So, wala siyang kalaban-laban, ‘yung ribs niya, broken ribs dahil tinuhod ‘yung dibdib niya. So paano mo mapapatawad ‘yung mga tao na pumatay sa kapatid mo?”

Kung may pagkakataon, gusto ba nilang ilapit ito kay Pres. Digong? “Marami akong paraan na sumulat o ano, pero hindi ko alam bakit may humaharang. So hindi ako nagkaroon ng chance na masabi ko ‘to sa Presidente. Kasi noong time na nanalo siya, ‘yun talaga ang sigaw namin, na sana makaharap namin siya, na sana mailapit namin dahil hindi na namin alam kung sino ‘yung mga kakampi namin.”

Nauna rito, napag-usapan ang showbiz career ni Rochelle. Na pumasok siya sa showbiz noong 1992 bilang print ad, ramp, at commercial model. Then bandang ‘93 or ‘94 daw ay sumabak na rin siya sa pag-aartista at unang pelikula niya ang “Marikina Files” ng Regal Films kasama sina Joanne Quintas at Alma Concepcion.

Nanalo rin ­siyang Ms. Photogenic Phi­lippines noong 1994. “Noong time na ‘yun, 1993, ang reigning ay si Ms. Maricel Morales ng Ms. Photogenic Philippines. Ako pinakabata, so lahat ng kasama ko mga professional ramp models,” aniya pa.

Ngayon ay happily married siya for almost 21 years na kay Jimwell Stevens at ang kanilang pamilya ay biniyayaan ng apat na supling – sina James Rohwell (21), Jullia Rohjim (17), Jimelle Robby (8) at Jichelle Riley (2). Isa sa business nila ay ang Skinfrolic ng BeauteDerm located sa Parañaque na personal na inaasikaso ng aktres.

Nang sumali sa huntahan si Jimwell, nabanggit ang pagiging thankful at grateful ni Rochelle sa sobrang suportang ibinibigay ng kanyang esposo, pati na sa pagpapalaot ni Rochelle sa mundo ng public service.

Kumakandidatong konsehal si ­Rochelle sa District 1 ng Parañaque.

Kabilang sa tututukan ni Rochelle ang karapatan ng mga kababaihan, women empowerment, livelihood, legal services at marami pang iba.

“Kung may mga bagay na hindi ko alam, I’m willing to learn, pag-aaralan ko… I’m very open. Ako kasi sabi ko, hindi ko kailangang mangako, bawat ­barangay ay aalamin ko kung ano ang problema nila,” seryosong diin pa niya.

Saad pa niya, “Ayaw kong sabihin ang ganito at mangangako… ako, I will ­really do my best, my very-very best for my district dahil ayaw kong masira sa pagkaka­taong ibinibigay nila.”