Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Japan inalerto ‘Pinas sa terror attack

0 47

Kinumpirma ng Japanese Embassy na nakatanggap ang Tokyo ng intelligence report tungkol sa posibleng terror attack sa anim na bansa kabilang na ang Pilipinas.

Sa pahayag, sinabi ng embahada na hindi nila maaaring isiwalat ang ibang detalye tungkol sa report ngunit pinaiiwas ang kanilang mamamayan na nasa Indonesia, Pilipinas, Singapore, Malaysia, Thailand at Myanmar sa mga religious facility at matataong lugar.

Ito ay dahil sa natanggap na impormasyon na may mataas na peligro ng terorismo tulad ng suicide bombing.

“We confirm that the Japanese government has received information about a possible terror attack but we cannot give you any detailed background at the moment. In relation to this, we issued a warning to alert Japanese people residing in some Southeast Asian countries, but we cannot disclose the source,” anang embahada.

SM food to go Banner Ad

Samantala, sinabi ng Department of Foreign Affairs at Armed Forces of the Phi­lippines (AFP) na wala pa silang natanggap na report tungkol sa banta ng terorismo.

Tiniyak naman ni AFP spokesperson Col. Ramon Zagala sa mga mamamayan na poprotektahan ang mga ito at pananatiliing ligtas mula sa banta ng mga terorista.

“As of now, we have not received any report. We constantly validate all reports on security matters and it is a continuous process,” ani Zagala. “As per last review, our threat level is moderate.” (Issa Santiago/Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.