Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Japan naghahanap ng 300 Pinoy caregiver

0 116

Inanunsyo ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na may hiring sa Japan na mga caregiver sa pamamagitan ng government-to-government deployment program.

Ayon kay POEA Administrator Bernard Olalia sa panayam sa radyo nitong Sabado, 300 caregiver ang pupunan nila patungong Japan.

“Maliban po sa Israel, meron din po tayo sa Japan, `yong care workers natin. Ang equivalent nito caregivers din… 300 naman `yong pangangailangan po ng Japan, at ito rin po ay government to government deployment po,” ani Olalia.

Ang mga interesado aniyang maging caregiver sa Japan ay dapat nakatapos ng Bachelor of Science in Nursing, mayroon o walang Professional Regulation Commission (PRC)) license at walang trabaho sa kasalukuyan.

Hindi rin aniya kailangan ng work experience basta may diploma ng BS Nursing at puwede rin ang nagtapos ng kahit anong kurso ng apat na taon basta mayroong TESDA NC2 sa caregiving course.

Dapat din aniyang pumasa ang aplikante sa Japanese Language Proficiency Test. (Issa Satiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.