Abante Tonite Interactive

Japan walang Plan B sa banta ng COVID-19

344

Walang sunod na plano ang bansang Japan habang nagbabanta pa rin ang COVID-19 ilang buwan bago sumipa ang 2020 Tokyo Olympics.

“There will not be one bit of change in holding the Games as planned,” pahayag ni 2020 Tokyo Olympic deputy director Katsura Enyo sa isang panayam.

Pangamba nito, malaki at marami ang masasayang kung hindi ito matutuloy ­dahil matagal nila itong pinaghandaan.

Sa katunayan ay ginastusan umano ito ng halos $12 bilyon maisakatuparan lang ang quadrennial event.

“We are not even thinking of when or in what contingency we might decide things. There is no thought of change at all in my mind,” aniya.

Sa ngayon ay wala pang tiyak na kasagutan kung ikakansela ba ang event. “No such debate is going on,” sambit nito. (Aivan Episcope)