Abante Tonite Interactive

Japanese beauty queen mahilig sumisid

By
373

tonite-pak-allan-dionesCharming at nakakatuwang kausap ang 29-anyos na Japanese beauty queen na si Hiro Nishiuchi.

In-appoint si Hiro bilang Philippine Tourism Fun Ambassador para i-promote ang kagandahan ng Pilipinas sa mga kababayan niyang Hapon.

Nitong June lang nag-start na mag-promote ng beautiful places sa ‘Pinas ang 1st runner-up sa Miss Universe Japan 2014, pero maraming beses na siyang nagpabalik-balik ng bansa.

Abante Hiring – IT dep

Paborito niya ang Palawan kung saan mahilig siyang sumisid dahil isa siyang licensed diver.

Sabi sa amin ni Hiro, love na love niya ang mga Pinoy dahil very friendly ang mga ito at mababait.

Sey niya pa, ang dinig niya ay romantic ang mga Pinoy lalo na ‘pag nanliligaw. Wala raw sa isip niya ang magka-boyfriend dito sa ‘Pinas, pero mukhang open siya sa nasabing idea.

Sarap na sarap ang dalagang Haponesa sa Filipino food. Paborito niya ang sinigang na baboy, kare-kare, adobo, crispy pata at sisig. Hindi pa raw siya nakakatikim ng balut, pero parang ba­lak niyang i-try.

Kung mabibigyan ng chance ay gusto ring subukan ni Hiro ang local showbiz. Aktres siya sa Japan at 16-anyos pa lang ay nagmo-model na siya.

In fairness ay maru­nong kumanta si Hiro nang hingan ng sample ng showbiz press. Sumasayaw din daw siya.
Kering magpa-sexy ni Hiro kung gugustuhin niya. Nag-pose siya dati sa Playboy magazine sa Japan pero hindi nude kundi naka-two-piece siya.
Seksi-seksihan ang mga pa-swimsuit ni Hiro ‘pag nagbi-beach, pero hindi niya raw kering tumodo sa hubaran dahil conservative pa rin siya.()