Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Japanese Coast Guard tigil rescue sa bagyo

0 66

Pansamantalang tinigil ng Japanese Coast Guard ang paghahanap sa mga nawawalang crew ng isang cargo ship na lumubog sa karagatan malapit sa kanilang bansa.

Ayon sa pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Sabado, batay sa ulat ng Philippine Embassy sa Tokyo at ng Consulate General sa Osaka, sinuspindi ang search and rescue operation dahil sa paparating na bagyo sa Japan.

Samantala, dalawa na mula sa 39 Pinoy seaman na sakay ng lumubog na Panamanian-flagged cargo ship Gulf Livestock 1 ang nakaligtas sa trahedya sa karagatan.

Sa ulat ng Department of Labor and Employment (DOLE) nitong Sabado, kinilala ang na-rescue na pangalawang Pinoy crew na si Jay-Nel Rosales, 30-anyos, na taga-Cebu.

Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello III dinala si Rosales sa Kagoshima-ken Kenritsu Ooshima Hospital para isailalim sa medical check-up subalit nakausap na umano ito ng kanyang pamilya sa Cebu.

Samantala, may isang bangkay pa umano ang narekober sa dagat na pinaniniwalaang kabilang din sa mga Pinoy crew subalit hindi pa ito nakikilala. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.