Abante Tonite Interactive

Japanese porn star, pinasok na ang K-pop group

By
4,144

ISANG Japanese porn star ang magde-debut sa South Korea sa pamamagitan ng bagong ilulunsad na K-pop group, ang Honey Popcorn.

Si Yua Mikami ay dating miyembro ng Japanese idol group na SKE48 pero umalis siya rito at mas piniling maging porn star.

Ngayon naman, kasama siya sa Honey Popcorn at maaaring paraan niya ng pagpu-promote ng K-pop group nila ang mga halos hubad niyang katawan sa Instagram at Twitter accounts niya.

Sa caption niya sa picture niya na halos nakalabas na ang boobs niya, sinabi ni Yua na, “I wear a sports bra to bed but my breasts always pop out.”

As expected, maraming negatibong reaksyon galing sa K-netizens sa pagpasok ni Yua sa K-pop group. Hindi raw ito magandang ehemplo lalo na sa mga batang talagang nag-a-idolize sa mga K-pop groups.

At sa pagkakakilala nga namin sa mga Korean singers and actors, ang imahe nila ang isa sa pinakainiingatan nila.

May iba naman na umaasa na ngayong magde-debut na raw ito bilang miyembro ng Honey Popcorn, baka naman daw matutunan din ang mga ugali at paraan kung paano ang isang K-pop star at tuluyang talikuran ang pagiging porn star.