Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Japanese utak ng online scam nabitag

0 266

Nagpositibo sa COVID-19 ang isang mailap na Japanese organized crime boss na naaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation-Special Task Force (NBI-STF) sa isang operasyong ginawa sa isang 5-star hotel, kamakailan sa Parañaque City.

Kinilala ni NBI OIC Direc­tor Eric Distor ang suspek na si Watanabe Yuki alyas ‘Kenji Shimada’ o ‘Shi Shimada’.

Nabatid ng NBI-STF na si Yuki ay may blue notice sa International Police, na nangangahulugang kinakailangan ng Interpol na kumuha ng karagdagang impormasyon sa pagkakakilanlan at mga aktibidad ng wanted na tao.

Si Yuki ay nagtatago sa bansa matapos masangkot sa iba’t ibang krimen sa Japan at iba pang bansa.

Samantala, nag-o-operate din si Yuki ng sindikato sa Pilipinas na may kinalaman sa online fraud at extortions.

SM food to go Banner Ad

Sa beripikasyon ng NBI-STF, nalaman na si Yuki rin ang big boss ng isang malaking sindikato ng telecom­munication fraud syndicate, kung saan ang international operations ay sumasakop sa ilang bansa, kasama na ang Japan at Pilipinas.

Sa bisa ng Immigration mission order, pinuntahan ng NBI ang hotel na pinag­tataguan ni Yuki noong Mayo 17 ng gabi.

Kasamang naaresto ni Yuki ang 2 pang Japanese national na sina Tomonobu Saito at Koisuke II na nagne­gatibo naman sa COVID-19.

Nalaman na si Yuki ay kinasuhan ng undesirability (fugitive) at illegal entrant habang si Saito ay may outstanding summary deportation order.

Pinalaya naman ng BI si Koisuke dahil walang nakitang ano mang kaso sa isinagawang beripikasyon at ang visa nito ay mae-expire sa katapusan ng Mayo 2021. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.