Japeth, C-Stand, Belo lumayas sa Gilas

561

Pagkatapos nina Christian Standhardinger­ at Japeth Aguilar, si Mac Belo naman ang umatras sa Gilas pool na nagha­handa para sa 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers.

Ayon kay team mana­ger Gabby Cui, hindi pa natatapos ang rehabilitasyon ni Belo sa kanyang knee injury. Mula dalawang linggo pang mawawala ang Blackwater forward, samantalang sa Feb. 20 na ang unang sigwada sa first window ng Asia Cup qualifiers.

Iho-host ng Pilipinas ang Thailand sa Feb. 20 bago dumayo sa Jakarta para harapin ang Indonesia sa Feb. 23.

Ang nananakit na tuhod din ang dahilan ni Standhardinger kaya nag-beg off sa pool.

>

Si Aguilar ay nasa kanyang honeymoon pa kaya hindi muna makakasama sa kampanya ng national team.

Naiwan sa pool bilang bigs sina veteran Marc Pingris at Poy Erram, at sina newbie Isaac Go at Justine Baltazar.

Si TNT active consultant Mark Dickel ang tinapik ng Samahang Basketbol ng Pilipinas bilang interim coach ng Gilas para sa first window. (Vladi Eduarte)

Tonite – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...