Abante Tonite Interactive

Japeth, June Mar, Marc, Kiefer showdown sa DOTA

355

HINDI lang sa basketball nagpapakitang-gilas kundi bibida rin ang ilang PBA star sa DOTA.

Kanya-kanyang paandar sina Kiefer Ravena, Japeth Aguilar, Marc Pingris at June Mar Fajardo sa DOTA 2 Charity Showmatch ngayong paparating na Abril 6.

Ginawa ang nasabing palaro upang kumolekta ng kabuuang P1 milyon pang-donate sa PGH Medical Foundation Inc..

Ito ay bilang ayuda na rin sa kasalukuyang COVID-19 crisis.

Magkakampihan sina Kiefer at June Mar kasama ang ilang pro-DOTA players na sina Alo, Fnatic.DJ at TNC.Armel.

Makakatagisan naman nito sina Japeth, Pingris at ilan pang pro-dota player rin na sina KuyaNic, GeekFam.Kuku at TNC.Tims.

Ang nasabing palaro ay inihahandog ng MineskiTV. (AE)

Tonite – Wendys Inhouse Ad