Abante Tonite Interactive

Jaramillo sunod na Didal ng Pilipinas

222

Nahanap na ng Skateboar-ding and Roller Sports Association of the Philippines ang posibleng susunod sa yapak ni 2018 Palembang Asian Games women street skateboard gold medalist Margielyn Didal, ayon kay president Monty Mendigoria.

“Princess Jaramillo could be our next Margie. She definitely has that potential,” pahayag ni Mendigoria sa pagbisita sa weekly Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum Martes sa Amelie Hotel-Manila sa Jorge Bocobo sa Malate.

Runner-up si 23-year-old Dasmarinas, Cavite native Jaramillo sa women’s street ng National Skateboarding Championships nitong Sabado sa Sta.
Rosa City sa naitakbong 24.57 points, naungusan lang ni Didal na may 28.73.
“Gusto ko po talaga maging miyembro ng national team. ‘Yun po ang pangarap ko,” saad ni Jaramillo na unang sumabak sa street skateboarding nang 16-anyos pa lang.

“I have witnessed Cess (palayaw ni Jaramillo) for quite some time. What I admire about her just like Margie is her consistency,” hirit ni Mendigoria sa sesyong mga hatid ng San Miguel Corporation, Braska Restaurant, Amelie Hotel at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Ayon pa sa kanya, marami pang dapat pagdaanan si Jaramillo bago mapabilang sa national team na sasabak sa 30th Southeast Asian Games 2019 sa Luzon kung saan mabibinyagan bilang medal sport ang skateboard.

Dinagwag niyang dalawang entries lang sa walong events – tig-apat sa men’s at women’s divisions – ang makakalahok sa SEA Games skateboarding kabilang na sina Didal at Fil-Am skater Christiana Means.

“If Ces doesn’t make the cut, she definitely will be a part of our national pool because, as we said, we would like to groom a new generation of Margie Didal,” panapos ni Mendigoria. (Janiel Abby Toralba)