Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jarencio kay Nabong: Kelly, kiss me!

0 316

Great coach para kay Kelly Nabong si Pido Jarencio.

Hindi lang dahil humihiling ng halik dati ang NorthPort coach sa Fil-Am bruiser.

May isang insidente aniya noong 2018 nang awatin ni coach Pido ang rugged center-forward sa mainit na laro kontra Phoenix.

“I think I got frustrated in a game once,” pahayag ni Nabong noong Miyerkoles kay Beau Belga sa Extra Rice podcast.

“I think I was talking to one of the referees and I got hot-headed, as usual sometimes. He grabbed my face and said, ‘Kelly, kiss me! Give me a kiss!’”

Kumalma raw bigla si Nabong nang marinig ang request ng coach.

“Like I can’t be mad no more. Okay. ‘Muwah! I’m not mad no more.’”

Kuha ni coach Pido ang kiliti ng kanyang players.

“That’s why I call him a great coach because he knows how to handle every player on that team accordingly,” dagdag ni Nabong.

Sandali lang nahawakan ni Jarencio si Nabong noong 2018 dahil nai-trade ang center/forward sa San Miguel Beer. Bago natapos ang nakaraang season, bumalik si Nabong sa Batang Pier at magkasama na ulit sila ni coach Pido.

Baka matuloy na ang halik. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.