Abante Tonite Interactive

Jasmine ‘buntis’

1,725

Malala talaga ang imahinasyon ng mga sumusubaybay sa mahusay na aktres na si Jasmine Curtis-Smith.

May larawan kasing ibinahagi si Jasmine sa kanyang IG kung saan ang kasintahan niyang si Jeff Ortega, bitbit siya na parang almost in the act of kissing. Naka-white one piece bikini ang the Curtis who can act at kung pagmamasdang maigi ang larawan, bilugan ang kaniyang tiyan.

Siyempre pa, ang kanyang mga supporter, takang-taka at gustong mahibang sa biglang pagbilog ng tiyan ni Smith kasi nga payat sa personal ang dalaga. Kaya ang kanilang naging konklusyon, is she following her Ate Anne Curtis-Heussafd’s path of enlightenment, buntis nga ba siya?

Ang official reaction ni Jasmine sa mga haka-haka: “Lol guys, I am not!”

Baka naman busog lusog si Bb. Smith noong kinunan ang kanilang snapshot ni Ginoong Ortega kaya ang maling akala, ay mali talaga.

Kung sabagay, wala namang masama if she’s indeed pregnant. She is of age at ang kanyang minamahal, alam na alam namang minamahal rin siya.

Siya na mismo ang nag-anunsyo sa IG na hindi siya anticipating a baby any time soon, paniniwalaan ko muna lalo na nga’t hindi ko naman nakikita ang kanyang mga mata habang sinasabi ang denial, hindi ba naman.

‘Pag may umuha after nine months, alam na. ‘Pag wala naman, ang panalo, she nipped it in the bud para tapos na agad ang chika.

Samantala, nag-deny si Jasmine na buntis siya. Sey niya sa kanyang IG account, “You guys are so funny! Key take-away: sobrang nakakabusog pala ang tubig-dagat! Ha!ha!ha!”

‘Scandal’ sa nawalang CP ni Nadine inaabangan

Big deal ba at news worthy kung si Nadine Lustre, nanakawan ng cellphone?

Wow! Ito na yata ang chikang magpapatahimik sa nag-aalburotong bulkang Taal, hindi ba naman?

Dahil sa pangyayaring ito, ang mga mahihilig sa galunggong, magtatalon na ba sa tuwa dahil bababa na ang presyo nito sa merkado?

Kasi nga maraming larawan at memories ang cellphone niyang ninakaw, may iilan bang nagbubunyi sa pagkawala nito at sinasambit na karma is indeed digital with matching parunggit kay Lustre na “2020 na, ano na, hindi maingat sa gamit at burara kasi kaya ayan!”

Ang opisyal na kuda ni Nadine sa nawala niyang gadget na hindi ko mapaniwalaan na may mangilan-ngilan na gusto yata itong gawing issue of national importance: “New fone who dis? Legit tho, cuz my phone got stolen yesterday…”

Sa true lang, bothered ako na hindi niya kayang baybayin at isulat nang tama ang mga salitang “who is this”, “though” at “because”. Juice colored!

Ang palaisipan sa kasalukuyan, may mga intimate video kaya sila ni James Reid na stored sa cellphone na ninakaw? Ano nga kaya ang magiging reaksyon ni Lustre kung saka-sakaling isang araw, may pinagpapasa-pasahan ang madlang pipol na coupling moment nila Reid, iyon ay kung meron man?

Paano kung ibalandra ang mga ito sa mga gossip portal, happy fiesta kaya agad-agad?