Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jasmine ‘di takot kumabit kay Dingdong

0 860

NI:ARCHIE LIAO

Proud member si Jasmine Curtis-Smith ng grupong AKTOR na itinatag ng Kapuso actor na si Dingdong Dantes. Hindi siya natatakot na kumonek o kumabit sa pinamumunuan ng Kapuso Primetime King.

Sa kanyang pagsali sa nasabing grupo, hindi nakaligtas sa pagbabanta ang aktres sa isang netizen.

Related Posts

Babala ng netizen kay Jasmine: “Ingat lang po sa mga grupong pinapasukan Maam.. pag ramdam niyo na pong puro galit na lang sa gobyerno ang umiiral malamang hanay na rin ito ng makakabilang grupo.. kagaya ng LFS. Basic na taktika po nila is Agitate, Organize, and Mobilize.

Napakagaling niyo po sa Descendant of the Sun, nagampanan niyo ng maayos ang karakter bilang isang babaeng opisyal ng Army.”

Hindi naman nagpatinag si Jasmine sa pagbabanta ng naturang netizen dahil naniniwala siya sa ipinaglalaban ng kanilang bagong organisasyon.

Ang AKTOR o League of Filipino Actors ay isang kapisanan ng mga artista na layuning magbigay ng boses sa mga isyung kinakaharap ng bansa tulad ng anti-terror bill . Ipaglalaban nila ang banta sa kanila bilang mga artista at mga mamamayan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.