Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jasmine inurirat na single

0 136

Litaw na litaw ang chemistry nina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith sa seryeng ‘The World Between Us’.

Mukhang nalagpasan na nila ang mga negang fan na against sa tambalan nila. Mukhang tanggap na nila kung sino ang i-partner sa Asia’s Multimedia Star.

Ibang Alden din ang mapapanood. Taliwas sa kaniyang ‘good boy’ roles before.

“‘Yung role ko dito, si Louie, hardworking student, matalino, masipag sa buhay, kaya lang may unfortunate events na nangyari sa kanya na nag-push pa sa kanya even further to his limits,” kuwento ng aktor.

Samantala, inurirat si Jasmine kung happy ba siya na single ngayon sa virtual mediacon ng ‘The World Between Us’.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang huling napabalitang boyfriend niya ay si Jeff Ortega, DOT Regional Director.

Tila nagulat si Jas at sabay react ng “ Huh, single? May nagsabi ba na single ako?,” sabay tawa.

Sinabi lang ni Jasmine na baka hindi lang siya ma-share ng kanyang personal life. Hangga’t maaari kasi bet ng aktres na pag-usapan sa kanya ay ang project niya.

Magsisimula na ang ‘The World Between Us’ simula July 5 sa GMA Telebabad.

Leave A Reply

Your email address will not be published.